Allan K reveals relationship with Fil-British reality show winner

IMAGE GMA PR

Does Allan K wish to find his "forever" with his current Fil-British mystery guy? "Hindi ko alam, e. Mahirap pag straight kasi, e. Hindi mo masabi kung matagal. Pinakamatagal ko bago siya, three and a half [years]."


Sa unang pagkakataon ay nagbahagi si Allan K ng detalye tungkol sa kanyang love life.

Tinanong kasi namin si Allan kung paano niya ipagdiriwang ang araw ng Pasko.

“Siyempre, sa bahay lang, with my family and friends, and love life kung meron.”

Dito na namin tinanong ang comedian/host kung may lovelife siya ngayon.

Sagot nito, “Meron! Pero he’s caught between spending Christmas here with his dad or with his mom in U.K.”

Filipino-British ang lalaking nagpapasaya ngayon kay Allan.

MYSTERY GUY. Nang tanungin namin kay Allan kung puwede niyang sabihin ang pangalan ng ka-lovelife niya ngayon, mabilis na sumagot ang Superstar Duets judge:

“Hindi! Kasi winner siya of a reality show.”

Banggit namin kay Allan, tila ngayon lamang siya napakuwento ng mga bagay-bagay tungkol sa kanyang personal na buhay.

Dati ay hindi siya nagkukuwento.

Rason niya, “Not as intense kasi yung aming ano...”

Anim na buwan na raw ang kanilang pagtitinginan ng naturang lalaki.

“Going seven,” estima niya.

Tinanong naman namin si Allan kung kumusta na ang kanyang sex life.

“Huy! Hindi ako nagkukuwento ng sex life.

“Malinis ako… gumawa!” sabay tawa ni Allan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Allan noong nakaraang Martes, November 29, sa Studio 7 ng GMA Annex Building, kunsaan idinaraos ang taping ng Superstar Duets.

XMAS GIFT. May plano na ba siyang iregalo sa kanyang mystery guy? Paano ba magregalo ang isang Allan K sa lalaking karelasyon niya?

“Hindi ko alam, e.

“Huli kong iniregalo iPhone7. Echos lang, echos lang,” at tumawa si Allan.

“Hindi ko alam, wala pa akong idea.”

Gusto na ba ni Allan na tumagal ang relasyon niya ngayon?

“Hindi ko alam, e.

“Mahirap pag straight kasi, e.

“Hindi mo masabi kung matagal. Pinakamatagal ko bago siya, three and a half [years].”

Kaya masyado pa raw maaga para sabihing 'This is it!’ dahil wala pa nga silang isang taon ng boyfriend niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GRAND FINALS. Sa December 17 ang grand finals ng Superstar Duets; kagabi ay tatlo na lamang ang natitirang contestants:Jerald Napoles, Nar Cabico, at Rita Daniela.

Kung magkakaroon ng Season 2 ang naturang show hosted by Jennylyn Mercado, at si Allan ang papipiliin ng mga bagong celebrity contestants, ang choices niya ay sina Frencheska Farr, Jay Perillo, Geoff Taylor, at Ken Chan.

Unang beses na maging judge si Allan sa isang reality-TV show.

Ano ang feeling na humuhusga siya sa husay ng kapwa celebrity?

“Ang sarap, masarap!

“Para kang nanonood ng show,” at tumawa si Allan.

“At the same time nagdya-judge ka.”

Hindi daw mahirap na gawin iyon.

“Iyon lang naman ang sekreto doon, e.

“I–detach mo ang sarili mo sa pagkakaibigan ninyong mga artista. Mag-judge ka talaga nang tama.”

Kasama ni Allan na judges sa Superstar Duets sina Aicelle Santos at Christian Bautista.

Napapanood ang Superstar Duets tuwing Sabado ng gabi sa GMA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN