Gabby Concepcion wishes to make amends to people he wronged in the past

IMAGE Noel Orsal

Gabby Concepcion on making amends to people he wronged in his past: "Sa pagsunod mo sa kagustuhan ng katawan mo, I never realized na may mga nasaktan akong mga tao. But all of that has been my past and I have made amends."


Aminado ang premyadong aktor na si Gabby Concepcion na marami siyang naging pagkakamali noong araw at nais niyang maitama ang mga ito sa paraang alam niya.

Hindi raw siya perpektong tao at dumating ang kahinaan sa buhay niya kaya nagawa niyang magkasala sa mga babaeng minahal niya.

Si Gabby ay nagpakasal sa Megastar na si Sharon Cuneta noong October 10, 1984. Nineteen years old noon si Gabby, habang si Sharon ay 18 lamang.

Ngunit napag-alamang bago pa man pakasal ni Gabby si Sharon ay ikinasal na ang dating matinee idol sa isang Jennifer Martin noong June 19, 1984.

Hindi pa annulled ang kasal nina Gabby at Jennifer nang magpakasal ang aktor sa Megastar.

Dahil dito ay kinasuhan ng bigamy si Gabby.

June 19, 1984.

Ayon kay Gabby, sapul na sapol sa kanya ang kuwento ng bago niyang teleserye sa Kapuso network, ang Ika-6 Na Utos, dahil tila reflection ito ng kanyang naging buhay noon.

Dito kasi ay gumaganap siya bilang isang piloto na nangaliwa ng asawa.

Ilang beses na raw siyang humingi ng tawad sa mga nangyari noon at ngayon ay bahagi na ito ng kanyang nakaraan.

Pahayag ni Gabby, “Sa buhay naman natin, hindi natin naisip na may mamahalin pa tayong iba.

“Akala kasi natin, isang tao lang ang mamahalin natin.

“Bata pa tayo noon, medyo mapusok, and iba ang takbo ng pag-iisip natin noon.

“Sabi nga nila, the spirit is willing, but the flesh is weak.

“Sa pagsunod mo sa kagustuhan ng katawan mo, I never realized na may mga nasaktan akong mga tao.

“But all of that has been my past and I have made amends.

“I know na hindi sapat iyon, but at least, I realized my mistakes at sana hindi ako tularan or mangyari ito sa mga anak kong babae.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa press launch ng Ika-6 Na Utos sa GMA Network Center noong November 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PROUD OF DAUGHTERS. May isang anak si Gabby kay Sharon, ang actress-TV host na si KC Concepcion.

Nagkaroon din siya ng anak sa businesswoman na si Grace Ibuna, si Garrie Concepcion; at sa ex-wife at dating actress-model na si Jenny Syquia, si Cloie Syquia-Skarne.

Mayroon din siyang dalawang anak na babae sa asawa niya ngayong si Genevieve Yatco.

Aminado si Gabby na hindi niya nasaksihan ang paglaki ng tatlong anak niyang dalaga na ngayon: sina KC, Garrie, at Cloie.

Ngunit sa ilang pagkakataong nakasama niya ang mga ito ay natutuwa siyang maganda ang naging pagpapalaki sa kanila ng kani-kanilang mga ina.

Saad ni Gabby, “I’m happy that I was able to spend time with them.

“Isa-isa ko silang nakasama at kinilala ko sila nang mabuti.

“I admit na malaki ang kasalanan ko sa kanila. Hindi ko sila nakitang lumaki and be the women that they are now.

“I have no memories of them noong naging teenagers sila, kaya I am doing my best to really get to know them and making them feel na kahit wala ako sa paligid nila noong lumalaki sila, mahal ko sila at lagi ko silang iniisip.

“I’m just happy that they all grew up to become beautiful, intelligent, and successful ladies.

"'Yan na ang nasaksihan ko and I am proud of my daughters."

Dagdag niya, “I only wish and pray that they handle themselves well at maging maingat din sila.

“Ayokong maranasan nila ang mga naging experience ng mothers nila, if you know what I mean.

“I just want them to look out for that right man sa buhay nila.

"A man na aalagaan at mamahalin sila ng panghabambuhay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN