Ogie Alcasid's eldest daughter to live in the Philippines next year

IMAGE Instagram (@ogiealcasid)

After almost 15 years in Australia, Ogie Alcasid's eldest daughter, Leila, is moving back to the Philippines next year. 


Sa Pilipinas na maninirahan ang panganay na anak ni Ogie Alcasid na si Leila simula January 2017.

Inanunsiyo ito ni Leila sa kanyang blog nitong Linggo, December 4.

Si Leila, 19, ay panganay sa dalawang anak ni Ogie kay Miss Australia 1994 Michelle Van Eimeren.

Ang isa pa nilang anak ay si Sarah.

Nakatira ang mag-iina sa Australia, kasama ang second husband ni Michelle na si Mark Morrow.

Sa kanyang blog, sinabi ni Leila na mananatili siya sa Pilipinas upang mas maging malapit sa kanyang pamilya rito.

“As of January 2017, I will be living and learning and growing in Manila, bonding with my wonderful family that so far I have only gotten to see every few months.

“While I'll miss my beautiful mother, step-father and sister back home, comfort lies in the fact that travelling is our thing; i.e. I know they'll visit soon enough and join me in relishing in the greatness of the Philippines.”

Sa Pilipinas isinilang si Leila, subalit noong four years old siya, lumipad siya sa Australia kasama ang ina at nakababatang kapatid upang doon na manirahan.

Binanggit ni Leila na nakabibisita pa rin naman sila sa Pilipinas, subalit kulang ito para lubos niyang makilala ang kanyang Filipino heritage.

“Visiting Manila every so often over the years has afforded me the opportunity to peek into the vibrant Filipino culture and the kind people that it consists of– an opportunity I will forever be grateful for.

“However, with 14-and-a-half years in Australia beating the time I had in Manila, learning about the other half of where I come from is a necessity.”

Saad pa ng dalaga, magiging aktibo siya sa kanyang blog upang ipahayag ang kanyang mga interes, kagaya ng food, clothes, art, at music.

“This blog serves as a platform for me to express just how extraordinary– or bizarre, I find everything to be. Whether it be through my undying love of food, my obsession with clothes and all things self care, my immense interest in beautiful art and music (cue Dad - "Nandito Akoooooooo"), or my passion for equality and ways to achieve that, the world is large and I intend to see as much as I can– starting with my home.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Also, stay tuned for what will surely be hilarious mispronunciations and misspellings as I try to learn Tagalog.”

Samantala, sa isang ulat noong September, binanggit ni Regine Velasquez, stepmother ni Leila at asawa ngayon ni Ogie, na mananatili si Leila sa Pilipinas upang maka-bond ang kanyang ama at half-brother na si Nate, ang anak nina Ogie at Regine.

Pahayag ni Regine, “I mean, they see each other, but not like this na every day mong nakikita.

“And also, she wants so much to have a relationship with her brother [Nate].

“Nalulungkot siya na parang baka ‘He'll forget me. I will really be sad.’

“Yun ang mga angst niya in life.”

Sinabi rin ni Regine na ayaw sana niyang pasukin ni Leila ang showbiz.

Nangangamba kasi ang Asia's Songbird na hindi nila mapoprotektahan ni Ogie si Leila kapag pinasok na ng dalaga ang showbiz.

“Gusto ko magbakasyon na lang siya, maghila-hilata dun o kung gusto niya mag-school.

“I mean, I hope you don't mind na parang… natatakot lang ako na magso-showbiz siya.

“Kasi natatakot ako na teritoryo namin yun na mag-asawa and yet we won't be able to protect her because it's so different now.

“It really is, and I was telling my husband na, as much as possible, let her enjoy her private life 'coz our world is really different.”

Read: Regine Velasquez doesn't want stepdaughter Leila Alcasid to enter showbiz


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN