Oyo Sotto hits back after basher called him "walang ka-class-class"

IMAGE Noel Orsal

Tinawag na "walang class" ng isang netizen si Oyo Sotto dahil sa mga salitang ginamit nito laban sa ilang bashers ng asawang si Kristine Hermosa. Sagot ni Oyo: "Paki mo?"


Dahil sa maaanghang na salitang pinakawalan ni Oyo Sotto laban sa bashers ng asawang si Kristine Hermosa, pinuntirya ng isang netizen ang bunsong anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie.

Tinawag na "walang ka-class class" ng Twitter user na si @netsdans si Oyo dahil sa paggamit nito ng mga salitang "tanga," "gunggong," at "engot" sa kanyang pagbuwelta sa bashers ng asawa.

Read: Oyo Sotto lambasts basher calling wife Kristine Hermosa "ingrata, maldita, santa santita"

Ayon sa naturang netizen: “Itong c osotto nman kung mkapag comment sa basher parang tambay lng sa kanto wlang ka class class... parang ang gnawa nya pg binato ka ng bato bantuhin mo ng refrigerator.hahaha”


Ito naman ang naging tugon ni Oyo sa naturang basher:


Maliban dito, may isa pang basher na sinagot si Oyo at ang kapatid ni Kristine na si Kathleen Hermosa.

Dito ay hindi pa rin nagpaawat si Oyo sa kanyang paggamit ng salitang "engot."

Hindi na mababasa sa naturang thread ang mga komento ng bashers dahil burado na ito.


TO EACH HIS OWN. Samantala, patuloy ang pagtatanggol ni Kathleen kina Oyo at Kristine laban sa bashers.

Pinanindigan niyang walang masama sa pagsusuot ng uniporme sa mga pampublikong lugar ng mga kasambahay nina Oyo at Kristine.

Narito ang mga komento ni Kathleen:






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN