Agot Isidro declares unwavering support for VP Leni Robredo

IMAGE Noel Orsal / Leni Gerona Robredo on Facebook

Ipinangako ni Agot Isidro na reresbak siya anumang oras at anumang panahon para sa pangalawang pangulo ng bansa na si Leni Robredo. Sinabi ito ng singer-actress sa Facebook account ng bise presidente.


Nagpahayag ng kanyang suporta ang actress-singer na si Agot Isidro kay Vice President Leni Robredo kasunod ng pagre-resign nito bilang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) secretary.

Sa Facebook post ng bise presidente noong Linggo, December 4, ang araw na inanunsiyo nitong magbibitiw na siya bilang housing secretary, nagkomento rito si Agot.

Sinabi niyang sinusuportahan niya ang desisyon nito at "reresbak" siya anumang oras, saan mang lugar.

Ang naturang post ni VP Leni ay black-and-white photo kung saan makikitang nagtatrabaho ito kahit Linggo.

Sa comment section, sabi ni Agot: “Andito lang ako, VP Leni! Reresbak ako kahit saan!!!”

Sinagot naman ito ng pangalawang pangulo ng isang heart emoticon.


Si Agot ay masugid na tagasuporta ni VP Robredo at lumantad na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre.

Nang buwang iyon, tinawag ng Ang Probinsyano star si Duterte na "psychopath," na umani ng batikos mula sa mga tagasuporta ng Pangulo ngunit umani din ng admirers para kay Agot.

Read: Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte "psychopath"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN