Robin Padilla passes the 'action torch' to Dingdong Dantes and Coco Martin

IMAGE Gorgy Rula

Wala na raw sa action ang passion ngayon ni Robin Padilla kundi sa "rebolusyon" o mga pagbabagong mangyayari sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Ipinapasa na ni Robin Padilla kina Dingdong Dantes at Coco Martin ang paggawa ng action films.

Sinabi ito ni Robin sa kanyang acceptance speech bilang recipient ng FPJ Memorial Award sa 64th FAMAS Awards, na ginanap sa Century Park Hotel noong Linggo, December 4.

Ang FPJ Memorial Award ay bilang pagpupugay sa alaala ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.

Read: Andi Eigenmann, Dennis Trillo win top acting awards at FAMAS 2016

Sina Dingdong at Coco ay aktibo ngayon sa paggawa ng action projects.

Si Dingdong ang bida sa Kapuso primetime series na Alyas Robin Hood, habang si Coco naman ang bida sa long-running Kapamilya primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Pahayag ni Robin sa kanyang acceptance speech, “Sila ang magpapatuloy ng alamat ni FPJ sa pelikula, lalo na sa telebisyon.

“Kaya’t itong gabing ito ay malinaw na pagpapakita na marami sa amin ang babangon at sisibol para panatilihing buhay ang hari sa bawat puso at bawat pamilya ng Pilipino.

“Magkakapatid tayong lahat sa ilalim ng bandila ni Fernando Poe Jr.

“Kaya’t Ginoong Coco Martin at Ginoong Dingdong Dantes, sa inyo ang pelikula, sa akin ang rebolusyon.”

REVOLUTION. Pagkatapos niyang tangggapin ang naturang parangal, nagpaunlak si Robin ng panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Tinanong namin kung bakit inihabilin na niya kina Coco at Dingdong ang paggawa ng action films.

Tugon ni Robin, “Sila ang nag-a-action ngayon, e.

“Sila ang nasa TV, sila ang may kakayahan.

“Sila yung puwedeng gumawa ng pelikula. Sila yung mga tao ng network, e.”

Dagdag pa niya, “Ang passion ko kasi wala na dun, e. Sa rebolusyon na ako.”

Ang tinutukoy ni Robin na “rebolusyon” ay ang pagtulong niya sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga pagbabagong ipatutupad nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN