Jaclyn Jose airs disappointment with ABS-CBN over daughter Andi Eigenmann's Best Actress win

IMAGE Noel Orsal

Proud mom Jaclyn Jose was disappointed, and commented, about ABS-CBN not reporting news of Andi Eigenmann's win at the FAMAS. Later, Andi's triumph was reported on the late-night showbiz program Tonight With Boy Abunda. 


Nagpahayag ng pagkadismaya si Jaclyn Jose sa ABS-CBN dahil hindi umano nito ibinalita ang pagkapanalo ng anak na si Andi Eigenmann bilang Best Actress sa 64th FAMAS Awards.

Ginanap ang awards night sa Century Park Hotel noong Linggo, December 4.

Nanalo si Andi para sa kanyang pagganap sa pelikulang Angela Markado, ang remake ng 1980 film na pinagbidahan ni Hilda Koronel.

Read: Andi Eigenmann, Dennis Trillo win top acting awards at FAMAS 2016

Inihayag ni Jaclyn ang kanyang saloobin sa comment section ng Facebook post ni Andi.

Mensahe ni Jaclyn para sa anak, “Andi, I was so disappointed with your network na hindi man lang linabas sa news ang pagkapanalo mo.

“Nevertheless, you are a winner in my heart. In Ellie's heart. You have your trophy.

“I hope your network will recognize your win. I love you most.”


Ipinost ni Jaclyn ang kanyang komento bandang 9 P.M. ng Lunes, December 5.

Ngunit tila narinig ng ABS-CBN ang panawagan ni Jaclyn dahil ilang oras pagkatapos i-post ng aktres ang komento, inilabas ang report ng pagkapanalo ni Andi sa FAMAS sa programang Tonight With Boy Abunda.

O posible ring nakahanda na talaga ang report tungkol dito, ngunit nauna lang maglabas ng hinaing si Jaclyn.

ANDI’S POST. Samantala, isang mahabang Facebook post naman ang ginawa ni Andi kaugnay ng Best Actress win niya sa FAMAS Awards.

Kabilang sa mga pinasalamatan ni Andi ay ang kanyang mga magulang: ang inang si Jaclyn at ang yumaong amang si Mark Gil.

“Maraming salamat sa aking nanay at tatay, dahil ito ay nang dahil sa inyo! Ang parangal na ito ay para sa aking pinakamamahal na nanay,” pahayag ng Kapamilya actress.

Inalay rin niya ang kanyang tropeyo “sa lahat ng kababaihan, lalo na sa mga nakaranas ng kahit anong klase ng pang-aabuso.”

Ang Angela Markado ay tungkol sa isang babaeng naghiganti sa mga lalaking nanggahasa sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy ni Andi, “Hindi natin kailangang hayaan ang iba na maliitin at tapakan ang ating pagkatao.

"Sana ay magsilbi itong inspirasyong nagpapatunay na ilang beses man tayong madapa, basta't wag magsawang maniwala, at laging piliing lumabas na mas mabuting tao sa kabila ng lahat, hinding-hindi tayo kakalimutang biyayaan ng Diyos.

“Sana, kagaya ko, wag kayong magsawang maniwala na parating may liwanag sa likod ng kahit ano’ng dilim. Dahil napakatamis ng pakiramdam na marating ito.”

Inihandog din ng aktres ang kanyang pagkapanalo sa anak na si Ellie.

“HIGIT SA LAHAT, para ito sa aking inspirasyon na si Ellie, at sa pamamagitan ng aking tagumpay, ito ay tandaan mo: kahit anong taas ang ating marating, lagi nating iwang nakatapak sa lupa ang ating mga paa.

“Simple lang ang aking regalo, pero sana'y manatili ito sa puso mo. Dahil ang pinakamalaking tagumpay para sa akin ay ang makita kang tumanda ng may pagmamahal, respeto at pagmamalasakit sa LAHAT. Mapatao man, hayop, o ang kalikasan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN