PEP EXCLUSIVE. Albie Casiño admits breakup with non-showbiz girlfriend

IMAGE Noel Orsal / @thestallion09 on Instagram

Tila mas malungkot pa raw si Albie Casiño sa hiwalayan nila ng girlfriend niyang si Michelle Arceo kaysa sa kontrobersiya nila ni Andi Eigenmann. Inamin naman ng aktor na siya ang nakipaghiwalay sa kasintahan.


May panibagong unos na pinagdadaanan ngayon ang aktor na si Albie Casino matapos malinis ang kanyang pangalan sa paternity issue nila ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann.

Ito ay ang breakup nila ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Michelle Arceo.

??Parang mas masakit pa ata ??to,?? sambit ni Albie sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng Metro Manila Film Festival 2016 entry na Die Beautiful, kagabi, December 5.

Happiest place on earth

A photo posted by Albie Casio (@thestallion09) on

Dalawang araw pa lang daw ang nakalilipas nang mag-break sila ni Michelle kaya hindi pa nakaka-move on ang binata.

Lahad ni Albie nang kumustahin namin siya, ??I was doing really quite okay for a while.

"Pero, I mean, I kinda not so doing well right now.

??I kinda broke up with my girlfriend.

"So, yeah, very heavy. Like, two days ago."

Dagdag niya, "I??d like to keep that private, parang it??s just not the right time, di ba?"

Pitong buwan daw tumagal ang kanilang relasyon, ngunit nitong Nobyembre lang siya nag-post sa Instagram ng larawan nilang dalawa.

Sabi pa ni Albie tungkol kay Michelle, ??She??s like my best friend, she??s like a perfect girlfriend.

"We just came from the States together, and now, parang everything reminds me of her.

"My screensaver is still the two of us."

Ipinakita sa amin ni Albie ang larawan nila ng ex-girlfriend na screensaver niya sa kanyang cell phone.

Nai-post din niya ito sa Instagram.

Goodbyes suck. See you in 31 days

A photo posted by Albie Casio (@thestallion09) on

Bakit nauwi sa breakup ang relasyon nila?

Ayon kay Albie, ??There??s no one at fault.

"I??m just so young, 23 years old. She??s younger.

"It??s like getting too serious, too fast."

Nakabase raw sa Amerika si Michelle.

Inamin naman ni Albie na siya ang nakipag-break.

??I told her I need some time. I broke up with her.

??I still love her. I??m still hurt every time I think about her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??I mean, it??s hard to be here, it??s hard to be at work.

"All I wanna do is to play in bed, lie down, and stuff.

"It??s hard to move on but life goes on."

Samantala, nag-deactivate na ng kanyang Instagram account si Michelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN