Hashtags member Nikko Natividad opens up about being a single dad

IMAGE Nikko Natividad Instagram

It wrenches Nikko Natividad to recall the time he chose to hide his son on the belief fatherhood would ruin his chances in showbiz. And now, "Bumabawi ako sa anak ko araw-araw. Ipinapakilala ko siya sa mga katrabaho kong artista, sa management. Sobrang proud kasi ako sa baby ko."


Noong housemate pa ang Hashtags member na si Nikko Natividad sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7 ay alangan daw siyang aminin sa publiko na may anak na siya.

Posible raw kasing maging negatibo ang epekto nito sa kanyang sinisimulang showbiz career.

Hindi raw naging madali para kay Nikko na isikreto ang anak niya sa kanyang non-showbiz partner.

Lahad ni Nikko, “Nahirapan ako last Christmas, dahil hindi ko po siya makarga man lang in public.

“Iwas ako talaga kapag nasa public, kaya ang bigat ng loob ko po.”

So, babawi siya sa kanyang baby ngayong Pasko?

Sagot ng 23-year-old It's Showtime mainstay, “Actually po, bumabawi ako sa anak ko araw-araw, kahit hindi Pasko.

“Ipinapakilala ko siya sa mga katrabaho kong artista, sa management.

“Sobrang proud kasi ako sa baby ko.”

Mas inspired ba siyang magtrabaho bilang daddy na siya?

“Always naman po akong inspired magtrabaho, kaya takot na takot ako mawalan ng trabaho,” matipid na sagot ni Nikko.

Gagawin daw extra special ni Nikko ang darating na Pasko para sa kanyang one-year-and-a-half-old son na si Aiden Seagal.

Saad niya, “Special po sa akin ang Paskong ito, lalo na kasama ko ang anak ko.

“Palaki na siya nang palaki, kaya mas lalong masarap siyang kasamang mamasyal ngayon.

“Nakaka-appreciate na siya ng mga bagay-bagay.”

Balak daw niyang sa isang hotel sila mag-Pasko ng kanyang anak.

“Sa beach sana, kahit three days lang na kasama ang anak ko.

“Para naman ma-relax ang isip at pati na ang katawan namin,” pagbabahagi ni Nikko sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), via private messaging ng Facebook, last Friday, December 2.

GETTING THERE. Unti-unti na ngang nakakamit ni Nikko ang mga pangaran niya.

Kamakailan ay nabili na niya ang kanyang dream car na Montero.

Aniya, “Sobrang saya ko po, kasi noon ko pa gusto yung Montero.

“Waiter pa lang ako noon, dream ko na yun… motor pa lang ang gamit ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At noon ay talagang inggit na inggit ako kapag nakikita ko ang mga customer namin na naka-Montero.

“Akala ko po noon ay imposibleng mangyari ang dream kong ito.

“Ang liit-liit lang ng suweldo ko as waiter, P8,000 lang a month.

"Napaka-imposible talagang makabili ako ng aking dream car.”

Kaya naman marami raw siyang gustong pasalamatan ngayon.

Ayon kay Nikko, “Una po ay sa Diyos, pangalawa ay sa aking pamilya.

"At pangatlo, siyempre po sa Showtime, priority ko lagi ang It’s Showtime.

"Sobra ko silang mahal dahil tinanggap nila ako at hindi kami inaalis sa show.

“Ang Showtime rin ang dahilan kaya ako nakapasok sa showbiz at ngayon ay one year na ako sa Hashtags.

“Sana next year, makabili naman po ako ng lupa at magkaroon ng negosyo.”

Sa mga dumarating sa kanyang blessings, ano pa ang gusto niyang hilingin sa Diyos?

Tugon ni Nikko, “Marami pa po akong pangarap sa buhay, kumbaga ay nag-uumpisa pa lang ako.

“Kaya lagi kong dasal sa Diyos, kahit hindi man ako sumikat nang sobra, huwag lang sana akong mawala sa trabahong ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN