Mayor Lani Mercado to continue fight amid SC decision on Bong Revilla's plunder case

IMAGE Facebook photo of Lani M. Revilla

"Di man natin nakuha ang ating matagal nang hinihiling, manatili, sana tayong matatag at buo ang damdamin," says Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla following the Supreme Court's decision to junk husband Bong Revilla's plea to dismiss the plunder case against him.


“Patuloy ang laban.”

Ito ang naging pahayag ni Bacoor City Mayor Lani Mercado kaugnay ng desisyon ng Korte Suprema na i-deny ang petisyong i-dismiss ang kasong plunder laban sa asawa niyang si dating Senator Ramon “Bong” Revilla.

Sa Facebook post ni Lani kahapon, December 6, nagpasalamat siya sa mga taong kasama niyang nanalangin para sa asawa.

Aniya, “Salamat po sa lahat ng nagdasal, nagpuyat at nakiisa sa amin sa araw na ito.

“Di man natin nakuha ang ating matagal ng hinihiling manatili sana tayong matatag at buo ang damdamin.

“Patuloy ang panalangin... Patuloy ang laban.”

Bago lumabas ang balita tungkol sa desisyon ng Supreme Court, nag-post din ang actress-politician ng panalangin niya tungkol sa hiling nilang ma-dismiss na ang kaso laban kay Bong.

Nadawit si Bong sa pork-barrel scam.

Nakasaad dito: “Father You are the God of perfect timing.It has been 2 yrs, 5 months and 15 days that Sen.Bong has been away from his family.

“I hope it is not too much to ask from You Father God to grant us his freedom.”

Dahil sa desisyon ng Supreme Court, matutuloy na ang pagdinig ng First Division ng Sandiganbayan sa kaso ng dating senador.

Si Bong at ang kaibigan niyang si dating Senador Jinggoy Estrada ay inakusahang gumamit diumano ng kani-kanilang pork-barrel fund sa ghost projects ng bogus non-goverment organizations.

Ito ay base sa listahan umano ni Janet Napoles, ang sinasabing utak ng pork-barrel scam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN