Kiko Matos confident Baron Geisler can cope with PAMI ban

IMAGE Noel Orsal

Baron Geisler's showbiz career is in jeopardy, but Kiko Matos says he knows his friend well enough to say he can tough it out: "Matibay naman yun si Baron, yung mga isyung ito kaya niyang daanan, e. Hindi naman ito first time na nagkaroon siya ng isyu… kayang-kaya niya yun."


Bilang kaibigan, gustong unawain ni Kiko Matos ang kalagayan ni Baron Geisler ngayong nasasangkot na naman ito sa iba't ibang isyu.

Pahayag ng indie film actor, "Si Baron kasi, in my opinion, you have a certain level of understanding to appreciate him, to accept him.

"Nakasama ko na rin si Baron, nakasama ko na siya sa bahay ko ng ilang beses.

“Nagkainuman na kami, at marami na siyang bagay na ginawa na pinalalampas ko.

"Kasi, after everything, naging masaya tayo, e.

"At saka, ayaw kong masabi na naging kaibigan ko siya para lang ma-expose ko siya.

"Siyempre, kung anuman ang ginawa niya, sa akin na yun."

Bukod sa isyu ni Baron sa katrabahong si Ping Medina at direktor na si Arlyn de la Cruz, isa sa pinakamabigat na hinaharap ngayon ng aktor sa career niya ay ang nangyaring ban ng Professional Artist Managers, Inc. (PAMI).

Read: PAMI to inhibit its artists from working with Baron Geisler

May mga artistang ayaw nang makatrabaho si Baron, sa pelikula man o sa telebisyon, kabilang na ang talents na nasa pangangalaga ng PAMI members.

Pahayag ni Kiko tungkol dito, "I feel sorry for Baron.

"First of all, may ginawa si Baron, at may consequences yun.

"As a man, meron tayong gagawin na minsan ay hindi tayo sigurado kung ano ang kalalabasan.

"Pero dahil sa ginawa mo yun, kailangang harapin mo yun.

"Kung may ibibigay akong payo sa kanya, yun ang payo ko."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiko sa grand presscon ng 2016 Metro Manila Film Festival official entry na Kabisera (The Seat), kahapon, December 6.

DEALING WITH BARON. Nagkausap na ba sila ni Baron pagkatapos ilabas ng PAMI ang desisyon nito?

Ayon kay Kiko, "Actually, mabigat yung pinagdaanan ni Baron, e.

"I've been trying to text him, sumasagot naman siya.

"Pero mahahalata mong kinakailangan mong pabayaan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First of all, alam natin na halos lahat ng tao ay mini-message siya, tinatanong.

"Siyempre, mahirap din yun, kasi naranasan ko din na maging viral… bina-bash ng lahat ng tao.

"So, alam ko ang pinagdadaanan niya."

Sa palagay ba ni Kiko ay mas lalong malululong ang kaibigan sa alak dahil sa pangyayari? Depressed ba ito?

Tugon ng 29-year-old actor, "Matibay naman yun si Baron.

"Yung mga isyung ito, kaya niyang daanan, e.

"Hindi naman ito first time na nagkaroon siya ng isyu at nag-viral, kayang-kaya niya yun.

"Ang matindi nga, ang tapang niya, matapang siya na gawin ang mga bagay na yun.

"Ako, nagdadalawang-isip ako."

Dugtong pa Kiko, "Kailangan lang niya ng kaibigang nakasuporta sa kanya."

Handa ba siyang tulungan ito?

Mabilis niyang sagot, "Yeah, with all my efforts.

"Si Baron naman kasi, alam ko kung paano laruin, e.

"Kapag nagalit siya, tumakbo ka lang, huwag kang lumapit sa kanya.

"Lumayo ka kasi ayaw naman nating umabot sa...

"Pero kung may ginawa siya, tulad ng ginawa niya, talagang magkakaroon ng gulo."

Kung sakaling si Kiko ang nasa katayuan ni Ping Medina, na inihian ni Baron sa shooting, ano magiging reaksiyon niya?

"Ako? Magkakagulo!" diretsahang sabi niya na pangiti-ngiti.

"Pero si Ping naman kasi, na-retain niya yung respect niya sa tao at hindi niya ginawa yung expected na gagawin ng tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN