Marian Rivera answers netizen criticizing her for breastfeeding in public

IMAGE Instagram

Marian Rivera answers a netizen who commented that it was improper for mothers to breastfeed their babies in public. 


Sinagot ni Marian Rivera ang isang netizen na pumuna sa kanyang pagpapadede sa anak na si Zia sa birthday party ng bata noong November.

Nagkaroon ng tatlong birthday parties sa magkakaibang petsa si Baby Zia, na isinilang noong November 23, 2015.

Sa party ni Zia noong November 25, ipinost ng bisitang si Ai-Ai delas Ala sa Instagram ang isang video habang pinapadede ni Marian si Zia.

Walang makikitang maselang bahagi ng katawan ni Marian dahil mayroon namang breastfeeding cover.

Sa caption ay pinapurihan ni Ai-Ai si Marian dahil sa pagpapa-breastfeed nito kay Zia.

Ngunit sa comments section ng nasabing post ni Ai-Ai, isang netizen ang pumuna sa pagpapadede ni Marian habang nagaganap ang party.

Sabi ng netizen, dapat daw ay pumunta sa private room si Marian at doon pinadede ang anak.

Hindi raw kasi magandang mag-entertain ng mga bisita habang nagpapadede ang aktres.


Sinagot ito ni Marian at sinabing walang masama sa pagpapadede sa anak, kahit sa public place, kung nakatakip naman ito.

“Hindi ka pa siguro nanay o wala ka pang anak kaya hindi mo maiintindihan,” dugtong pa ng Kapuso Primetime Queen.


Ipinagtanggol din ni Ai-Ai si Marian at sinabi niyang walang private room sa venue.

“Alangan naman sa CR mo padedehin si Z," anito, gamit ang palayaw ng anak ni Marian.

Ayon pa kay Ai-Ai, kaya raw naimbento ang nursing cover para sa mga pagkakataong kagaya ng kay Marian.


Tila nag-deactivate na rin ng account ang nasabing netizen dahil hindi na ito ma-access ngayon.

Samantala, may isa pang basher pumuna kay Marian at sinabing nakakailang ang ginawa ng aktres.



Ipinagtanggol naman ng kanyang mga tagasuporta si Marian sa nasabing basher.



Kamakailan ay ginawaran si Marian ng Breastfeeding Influencer and Advocate award ng Mother and Child Nurses Association of the Philippines, Inc. (MCNAP) dahil sa pagpu-promote niya ng breastfeeding sa lahat ng mga inang may sanggol na anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN