Superstar Nora Aunor pays tribute to legendary actress Lolita Rodriguez

IMAGE Noel Orsal / File

Nagbalik-tanaw ang Superstar na si Nora Aunor sa pagsasama nila sa pelikula noon ng yumaong aktres na si Lolita Rodriguez. Nagkasama ang dalawang mahusay na aktres sa award-winning film na Ina Ka Ng Anak Mo, kung saan nag-tie silang Best Actress sa MMFF noong 1979.


Kabilang ang Superstar na si Nora Aunor sa nagulat at nalungkot sa pagpanaw ng legendary actress na si Lolita.

Pumanaw si Lolita noong November 28 sa Hemet, California, dalawang buwan matapos siyang ma-stroke.

Read: Legendary actress Lolita Rodriguez dies at 81.

Nagkasama sina Nora at Lolita sa 1979 Lino Brocka film na Ina Ka Ng Anak Mo.

Ginampanan nila rito ang papel ng mag-ina na nagkaroon ng ugnayan sa iisang lalaki.

Sa naturang pelikula binitiwan ni Nora ang classic line na ngayong “Hayop… hayuuup... hayuuuuup!”

Ang Ina Ka Ng Anak Mo ay naging official entry sa 1979 Metro Manila Film Festival (MMFF), kung saan nag-tie sa pagiging Best Actress sina Nora at Lolita.

Sa press conference ng MMFF 2016 official entry na Kabisera noong December 6, sinabi ni Nora na idolo niya si Lolita noong nagsimula pa lang siyang mag-artista.

“Idolo ko talaga siya. Siya talaga ang pinakaidolo ko sa lahat ng mga artista.

“Nabigla ako nang nawala siya.

“Nag-flashback ako noong gawin namin ang Ina Ka Ng Anak Mo. Pasko ko rin siya pinalabas noon.”

Patuloy ng Superstar, “Talagang ibang klase siya.

“Hindi ko siya makakalimutan dahil sa napakagaling niyang artista at napakabait na tao.”

MOST MEMORABLE SCENE. Hindi raw malilimutan ni Nora ang isa sa mga eksenang kinunan para sa Ina Ka Ng Anak Mo.

Isang close-up shot ang kuha ni Direk Lino Brocka kay Ate Guy habang kausap niya si Lolita na wala sa camera.

Kahit hindi raw kita sa camera, todo pa rin umano ang pag-alalay ng batikang aktres kay Nora sa eksena.

Lahad ni Nora, “Isa siyang artista na nagtuturo sa mga kaeksena niya.

“Hindi siya yung nagsasarili, lalo na sa mga bagong artista.

“Sa isang eksena namin, nakahiga lang siya at kinukunan ni Direk Lino. Habang nagte-take ako, umaarte rin siya.

“Arteng-arte talaga na parang kinukunan din siya ng camera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isa 'yon sa mga hindi ko makakalimutan sa kanya.

“Talagang sobrang mabait at sumuporta at magturo sa mga kasamahan niya.

“Yung iba, kapag hindi kinukunan, nandoon lang sila.

“Bahala ka sa sarili mo kung ikaw lang ang kinukunan. Siya, hindi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN