Ricky Davao urges moviegoers to support MMFF 2016: "Tuloy ang ligaya, tuloy ang Pasko, kakaiba."

IMAGE Noel Orsal

Award-winning actor-director Ricky Davao assures this year's Metro Manila Film Festival may be a departure from the usual, but it will have the same festive feel of the season: "Okey pa rin, kakaiba… ibang putahe naman ngayon ang matitikman nila."


Nagbigay ng kanyang opinyon si Ricky Davao tungkol sa pagkakapasok ng indie films sa gaganaping Metro Manila Film Festival (MMFF) simula ngayong Pasko.

Isyu kasi ang kakayahan ng walong entries na mahikayat ang mga manonood ng pelikulang Pilipino na tangkilkin ang MMFF 2016.

Opinyon ng iba, dekalidad man ay halos walang commercial appeal ang mga pelikulang ito.

Isa na rito ang Kabisera (The Seat) na pinagbibidahan nina Nora Aunor at ni Ricky.

Pahayag ng actor-director, “Siguro malaki lang ang reaksiyon ngayon ng mga tao kasi nawala yung major studios.

"Pero hindi naman sinadya yun… sa pagkakaalam ko, may proseso ring nangyari.

“Binigyan siya ng criteria at heto ang mga napili, so sana matanggap.

"Sana ipaliwanag natin sa audience, sa mga manonood, na okey pa rin.

"Tuloy ang ligaya, tuloy ang Pasko, kakaiba.”

Dagdag ni Ricky, “Mahirap namang magsabi na mas masustansiya, pero iba-iba kasi 'yan, e.

"So, ibang putahe naman ngayon ang matitikman nila."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ricky sa presscon ng Kabisera, na ginanap sa Salu restaurant, noong December 6.

IN AWE OF NORA. Sa puntong ito ay napag-usapan ang tungkol sa karanasan ni Ricky kay Ate Guy bilang co-actor.

Hindi ito ang unang pagkakataong sila ay nagkasama sa pelikula.

Pero para kay Ricky, ang bawat pelikula nilang dalawa ay isang karanasang mahirap makalimutan.

Aniya, "Si Ate Guy, nakasama ko na siyang sumasayaw na naka-bathing suit.

"Oo, sa pelikulang Rock 'n Roll [1981], that was my first [as] leading man.

"Tatlo kaming leading men… si Lloyd Samartino, the late Mark Gil, at saka ako.”

Ang sumunod daw nilang pelikula ng nag-iisang Superstar ay ang Minsan, May Isang Ina (1983).

Pagbabalik-tanaw ni Ricky, “Ginahasa ko si Ate Guy, dahil sa paggahasa ko sa kanya, tatlong araw akong may bukol sa mukha.

“Pasa sa dibdib, kasi totoong sampal

“Sabi ni Direk Maryo [J. de los Reyes], 'Gasahin mo 'yan, ha!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puro sampal, suntok, sipa, kasi wala akong suot na salawal noon.

"Biglang nag-flashback sa akin."

Binalikan din ni Ricky ang panahong nag-guest siya sa musical show noon ni Nora na Superstar.

"Pinilit ko na mag-guest dun para makaawit.

"Kasi pag nag-guest ka sa Superstar noong mga panahong yun, medyo may say ka na. Medyo meron ka nang kinalalagyan.

"And ngayong katrabaho ko siya, I still feel the same energy, the honor, the excitement.

"I'm still in awe working with Ms. Nora Aunor."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN