TJ Trinidad on MMFF 2016: "Let's give the smaller films a chance."

IMAGE Allan Sancon

TJ Trinidad: "Let's give the smaller films a chance… para may iba namang choice ang tao. Mapa-MMFF o just a regular playdate, masasabi nila na, 'Quality siya, panoorin na natin."


Hindi na raw masusorpresa ang aktor na si TJ Trinidad kung sakaling mas mababa ang kitain sa box-office ng mga pelikulang kalahok ngayon sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) kumpara noong mga nakaraang taon.

Halos lahat ng napiling walong official entries sa MMFF 2016 ay indie films o hindi iprinodyus ng malalaking film outfits, gaya ng Star Cinema, Viva Films, at Regal Entertainment, Inc.

Kaya nangangamba ang marami sa industriya na hindi kikita nang malaki ang MMFF 2016.

Kabilang si TJ sa cast ng Saving Sally, isa sa official entries ngayong taon.

Pahayag ng aktor tungkol sa isyung ito, "I wouldn't be surprised kung hindi siya kalaki sa box-office sale last year.

"That is something to be expected.

"But, I think, it is also the time to give others a chance.

“Kasi, in the end, lahat naman 'yan ay maipapalabas at makikita ng mga tao.

"I know na kumita naman yung Super Parental Guardians at saka yung Enteng Kabisote.

“So, let's give the smaller films a chance… para may iba namang choice ang tao."

Aminado si TJ na malakas ang box-office appeal ng nabanggit niyang mga pelikula nina Vice Ganda at Vic Sotto, na parehong hindi napili sa MMFF 2016.

“Meron talagang appeal sa masa… malaking market 'yan, e.”

Pero sa pananaw niya, may kahahantungan din ang indie films na nakasali ngayong taon sa MMFF.

Chance daw ito ng mga taong makakita ng ibang style ng filmmaking.

“In the future, mapa-MMFF o just a regular playdate, masasabi nila na, 'A, ito yung gumawa last year. Quality siya, panoorin na natin.'"

Ang Saving Sally, na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at Enzo Marcos sa direksiyon ni Avid Liongoren, ay pinaghalo ang animation at mga totoong artista.

Maa-appreciate kaya ito ng Pinoy audience?

Tugon ni TJ, “Maa-appreciate talaga nila, like, when you watch it, simple lang pero may puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Feeling ko, kung bibigyan lang nila ito ng chance, mata-touch yung mga puso nila kapag napanood nila, e.

"I hope also na ipakita ito beyond Metro Manila.

“May mga nabasa ako na may provincial theaters na hind raw nila ipapalabas ito.

"Sana magtulung-tulungan tayo para may chance naman na mapanood ito ng mga taga-probinsiya."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si TJ sa presson ng pelikulang Saving Sally, na ginanap sa Victorino's restaurant, kahapon, December 9.

BIG STAR FACTOR. Kung may choice si TJ, alin ang mas gusto niyang sistema sa pagpili ng entries: yung dati o yung ngayon?

Tugon niya, "Well, wala naman akong gustong i-exclude.

“Technically, merong criteria ang MMFF, I'm not familiar with it.

“I suppose they follow it every year, and this is how they decide.

“And then… kung sino man ang producer, they make their films based on how the MMFF will choose."

Naniniwala ba siyang dapat pa ring may big stars sa bawat Metro Manila filmfest?

Ayon sa 40-year-old actor, “Malaking contributing factor 'yan in terms of drawing a crowd.

"This is business at the end of the day.

“It's up to the producers if they wanna use big stars or not-so-big stars.

“As long as they make a film based on the MMFF criteria.”

May nagsasabi ring kailangang dekalidad lang talaga ang pelikula kahit mga baguhan ang mga artista into.

Ayon naman kay TJ, “Kung naramdaman ng [MMFF] committee na maganda, I don't think they're biased.

“Na kailangang big networks ang gumawa o maliit na producer."

Idinirek ni TJ ang pelikulang Ang Kahihinatnan Ng Aking Mga Kabalbalan na isa sa entries sa Cinemalaya Film Festival noong 2010.

Dahil sa bagong development sa MMFF ngayon, na-inspire ba siyang magdirek ng pelikula na pang-entry dito?

Tugon ng actor-director, "I wanna try, pero it's not easy to find funding, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap maghanap ng producers and I always want to direct.

"May materials na akong naisulat, pero tingnan na lang natin next year kung ano.

"Nandiyan lang 'yan, maghanap ng producer at 'wag nang gumamit ng sariling pera.

"Mahirap!" sabay tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN