Cesar Montano defends appointment as Tourism Promotions Board COO

IMAGE Facebook account of Cesar Montano

Cesar Montano defends himself from tirades against his appointment as the new COO of Tourism Promotions Board. According to the actor-director, he will not be appointed if President Rodrigo Duterte did not see his competence for the post.


Ipinagtanggol ni Cesar Montano ang sarili laban sa mga batikos na kanyang natatanggap dahil sa pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Dutere bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board (TPB).

Ang TPB ang namamahala sa pagpu-promote ng mga programang pangturismo sa bansa.

Sa ulat ng 24 Oras kagabi, December 9, sinabi ng aktor na hindi naman siya itatalaga ng Pangulo kung hindi nito nakikitang competent siya sa nasabing posisyon.

Saad ng aktor, “Hindi naman po mag-a-appoint ang Presidente kung wala pong nakikitang competence sa isang tao.

“So, probably nakita niya po, probably, we could be able to promote the entire country.”

Samantala, tumanggi namang magbigay ng pahayag si Cesar sa sinabi ni Department of Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na may iba siyang gusto para sa nasabing puwesto.

Sa confirmation hearing niya sa Commission on Appointments (CA) noong December 7, inamin ng kalihim na may iba na siyang naisumiteng pangalan sa Presidente para sa nasabing pwesto.

Pahayag ni Teo, “I have another choice, and, in fact, I already submitted the name.

“But when I saw him [Cesar] in China, he said, ‘Secretary, I will be the head of the Tourism Promotions Board, can I meet with you for a courtesy call?’"

Nabanggit din ni Sec. Teo na ang induction ni Cesar bilang COO ng COO ay magaganap sa December 15.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN