Megan Young doesn't want to jinx Catriona Gray's chances in Miss World 2016

IMAGE Noel Orsal

Megan Young flies to Washington, D.C. on December 13 to prepare for her hosting stint at the Miss World 2016 pageant, to be held at the MGM National Harbor, Washington, D.C. on December 18.


Lilipad si Miss World 2013 Megan Young patungong Washington, D.C.  sa December 13 para sa kanyang preparasyon bilang host ng Miss World 2016 pageant.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Megan kung ano sa tingin niya ang chances ng Philippine bet this year na si Catriona Gray para mapanalunan nito ang Miss World crown.

Sagot niya, “I really don’t know. We will never know and mahirap mag-expect din.

“I just hope for the best. Kasi ayokong i-jinx yun.

“Like, when I was competing in 2013, wala sa isipan ko na I will take home the crown.

“I wanted the experience and have fun during the pageant. Kasi ayoko ring ma-jinx ko ang moment na iyon.

“Mas masarap ang feeling when you win without even expecting. Mas fulfilling iyon.

“Right now, katatapos lang nila sa talent portion and Cat made it to the top 10.

“Magandang sign iyon kasi lumalapit ang chance natin to win the crown.

“So, in the coming week, ito na ang pinaka-crucial na time for all the contestants, kasi sunud-sunod na ang mga gagawin nila.

“But, of course, I like her to win, we all do.

“But let’s see what happens. Let’s just keep on praying that the Philippines makes it.”

Nakapanayam ng PEP si Megan sa taping ng Kapuso primetime series na Alyas Robin Hood, sa Timberland Sports and Nature Club, San Mateo, Rizal.

STILL WITH MISS WORLD. Masaya si Megan dahil kahit expired na ang kontrata niya sa Miss World Organization ay kinukuha pa rin siya para sa kanilang activities and events.

“I’m always happy when Ms. Julia Morley gets me for any activities of Miss World.

“Kahit na expired na po ang kontrata ko with them, they still get my services at maganda naman ang pag-uusap namin.

“I get well compensated when they get my services.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila bahala sa lahat ng flights and accommodations ko.

“Kaya naman sunud-sunod ang tapings namin for Alyas Robin Hood because mawawala na naman ako for almost a week.

“Mabuti naman at may mga natapos na akong mga episodes para pagbalik ko ay walang problema.”

Dagdag ni Megan, pangarap talaga niyang maging host ng isang prestihiyosong international beauty pageant, tulad ng Miss World, at ngayon ay nagkakatotoo na ito.

“Before kasi dream ko lang iyon lahat—to win Miss World and be able to host the pageant.

“Nakakatuwa lang na all your dreams ay isa-isang nagkakatotoo.

“Siguro ang next na gagawin ko ay maging judge na ako ng Miss World!” tawa pa niya.

ON PIA'S CHARITY EFFORTS. Marami ang nagkukumpara kay Megan at kay Miss Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach sa larangan ng kanilang humanitarian works.

May ilang netizens na nagsasabing mas inuuna raw ni Pia ang magkaroon ng boyfriend kesa sa paggawa ng charity works.

Sabi ni Megan tungkol dito, “I guess you have to ask her. Bakit ako ang sasagot para sa kanya?

“Although magkaiba ang ginagawa namin for charity, people will always compare Miss World sa Miss Universe.

“Ang alam ko po, Pia has been doing well on her advocacy to promote HIV/AIDS awareness.

“Miss World naman is busy doing charity work sa iba’t ibang bansa rin.”

NO COMPETITION WITH ANDREA. Kahit panandaliang mawawala si Megan, hindi naman daw siya mami-miss ng mga manonood dahil nakunan na ang mga kaabang-abang na eksena nila ni Andres Torres, who plays Venus, sa Alyas Robin Hood.

Si Megan ang gumaganap sa papel ni Sarri.

Dahil sa love triangle nina Pepe (Dingdong Dantes), Venus, at Sarri ay nagkaroon ng Team Venus at Team Sarri.

Sabi ni Megan, “It’s a healthy competition between the characters that me and Andrea portray in the teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We work well together kaya I don’t feel any intimidation when I have a scene with her.

“Like, yung naging bikini showdown namin ni Andrea, it’s just our job to do the scene. But after that, we’re very okay.

“Andrea has her moments and I have mine.

“It’s really all work and we love doing this for the many televiewers who enjoy watching Alyas Robin Hood kaya number one kami sa primetime.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN