Dennis Padilla wishes kids with Marjorie Barretto to see their new sister this Christmas

IMAGE Arniel Serato

This Christmas, Dennis Padilla wishes kids Claudia and Leon (with ex-wife Marjorie Barretto) to see his newborn daughter Mary Madeline (with current wife Linda Gorton): "Gusto ko kasing ma-meet nila ang bagong baby ko, ang bagong kapatid nila. Kakapanganak lang ng misis kong si Linda [Gorton] sa second baby namin last November 30."


Kung may isang wish daw ngayong Pasko ang comedian na si Dennis Padilla, ito ay ang makasama ang kanyang mga anak na sina Claudia at Leon.

Mahigit dalawang taon na raw niyang hindi nakikita ang mga anak niyang ito kay Marjorie Barretto.

Ang panganay naman niya kay Marjorie na si Julia Barretto ay kailan lang daw niya nakita’t nakausap.

Sabi ni Dennis, “Gusto ko kasing ma-meet nila ang bagong baby ko, ang bagong kapatid nila.

“Kakapanganak lang ng misis kong si Linda [Gorton] sa second baby namin last November 30.

“Baby girl na pinangalanan naming Mary Madeline. Tawag namin sa kanya ay Mady.

“Kaya noong aksidenteng nagkita kami ni Julia sa gym, sabi ko sa kanya na sana bago mag-Pasko ay magkita-kita kami ng mga kapatid niya para makasama naman sila ng dalawa ko pang anak.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa location shoot ng GMA primetime teleserye na Alyas Robin Hood sa San Mateo, Rizal.

GAVIN LONGING TO SEE SISTERS. Kuwento pa ni Dennis, ang panganay niyang anak kay Linda na si Gavin ay laging tinatanong kung kailan daw dadalaw ang mga kapatid niya sa bahay nila.

“Gavin is already four years old na.

“Lagi niyang tinatanong sa akin kung kailan papasyal ang mga ate niya at ang kuya niya sa bahay.

“Na-meet naman na nila Julia, Claudia, at Leon si Gavin, pero two years old lang siya noon.

“Alam ni Gavin na mga kapatid niya sila, kasi may mga pictures ako ng tatlo sa bahay.

“Kapag tinuro ko ang isa, kilala niya sila.

“Kaya gusto ko naman na sana ay pagbigyan naman nila ako,” asam ni Dennis.

APPEALING TO MARJORIE. Umaasa si Dennis na wala nang haharang sa mga anak niya sa pagdalaw sa kanya ngayong Pasko.

“Sana naman walang ganun.

“Alam ng marami na I did my best.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naging mabuti akong ama sa mga anak ko at naging mabait akong asawa.

“Pero nangyari na ang nangyari. Wala na tayong magagawa pa.

“Noon, nag-e-effort ako para lang mapansin ako.

“Ngayon, hindi na. Nakakapagod din pala.

“Nakakalungkot lang isipin na hindi kami naging magkaibigan ni Marjorie.

“Pero kahit ano pa ang nangyari, Marjorie is still the mother of our three kids.

“Kaya sana, for the sake of my kids, mapagbigyan naman ako,” saad niya.

HAPPY FOR JULIA'S MOVIE. Proud naman si Dennis sa anak niyang si Julia dahil bida ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 official entry na Vince, Kath & James.

Dapat pala ay kasama rin sa cast ng naturang movie si Dennis. Pero nagkaroon daw ng conflict sa schedule ng trabaho.

Lahad niya, “Kinukuha nila akong father ni Julia sa movie.

“Pero dahil biglang pumasok ang Alyas Robin Hood, nagkaroon ng problema sa schedules.

“Yung ibinigay nilang mga shooting days, araw ng taping ko with Alyas Robin Hood.

“Tinanong ko pa sila kung puwedeng humingi ako ng ibang day to shoot kasi gusto kong gawin talaga.

“It will be my first time na makatrabaho ang anak ko

“Pero nagmamadali raw silang mag-shoot dahil ipapasok ito sa MMFF 2016.

“Kaya noong tawagan ko si Julia, nasabi niya na tapos na raw silang mag-shoot.

“Sayang, pero alam kong may mas magandang opportunity na darating para sa aming mag-ama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN