Arianne Bautista dismisses rumored relationship with Rocco Nacino

IMAGE Rocco Nacino Instagram / Arianne Bautista Instagram

Despite being linked to Rocco Nacino, Kapuso actress-host Arianne Bautista explains why her hectic schedule makes it hard for her to find time for love: "Right now, kung may nararamdaman akong may gustong manligaw, nape-friend zone ko agad. Kasi nga wala akong maibibigay na time ngayon."


Ang Kapuso actress-host na si Arianne Bautista na ba ang bagong girlfriend ni Rocco Nacino?

Usap-usapang nakahanap na raw ng bagong inspirasyon si Rocco pagkatapos nitong ma-heartbroken kay Lovi Poe.

Noong October, nag-post si Rocco sa kanyang Instagram ng isang larawan kasama si Arianne habang nagbabakasyon at nag-whale watching sa Oslob, Cebu.

Kasama rin sa photo na iyon ay ang magkasintahang sina Mark Herras at Winwyn Marquez.

May nag-comment na “double date” daw iyon at bagay naman daw sina Rocco at Arianne.

The sun, the beach, clear water, LOTS of food, good company, fun road trip = good times. Thank you Cebu. ??????

A photo posted by Rocco Nacino (@nacinorocco) on

Pero nang magkaroon ng press conference ang afternoon drama series ng GMA Network na Ika-6 Na Utos kamakailan, ipinagdiinan ni Arianne na single siya at wala siyang time magkaroon ng boyfriend ngayon.

Saad niya, “Ano pa ang time ko?

“Monday, Wednesday, Friday ang taping ko for Ika-6 Na Utos.

“The rest of the week, may hosting job ako, tapos may mga business meetings ako for my restaurants.

“So, paano ko pa mailulugar ang pagkakaroon ng boyfriend?

“Right now, kung may nararamdaman akong may gustong manligaw, napi-friend zone ko agad.

“Kasi nga, wala akong maibibigay na time ngayon.”

LATEST BREAKUP. Ikinuwento rin ni Arianne na nakipag-break siya sa kanyang Chinese boyfriend noong February 2016.

Marami raw silang hindi mapagkasunduan ng kanyang ex-boyfriend kaya nakipaghiwalay siya rito.

Pag-amin niya, “Mahirap kapag ang karelasyon mo ay galing sa traditional Chinese family.

“Iba ang paniniwala nila, especially when it comes sa mga babaeng karelasyon nila.

“It’s hard din for me because hindi ako Chinese.

“Kaya marami kaming naging problema sa relasyon namin, so we decided to end it na lang.”

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arianne kung sino ang mga crush niya sa showbiz, binanggit niya ang mga pangalan ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino at ang singer na si Jason Dy.

Aniya, “Si Paulo kasi matagal ko nang crush ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pareho kasi kami ng modeling agency noon, which is Monaco.

“I always see him sa office noon kaya naging super-crush ko siya.

“Si Jason Dy naman, aside sa maganda ang boses niya, I like his clean-cut look.

“Weakness ko sa lalaki yung malinis mula ulo hanggang paa!”

SHOWBIZ EXPERIENCE. Si Arianne ay graduate ito ng Tourism sa University of Santo Tomas.

Mag-aaral pa raw sana siya sa isang aviation school para maging isang piloto, pero naging busy na siya sa kanyang pagiging isang model.

“I used to do print modeling and TV commercials.

"Yung pinaka-memorable kong TVC was with John Lloyd Cruz na Magic Flakes.

“Three years din ako nag-model until I signed up with GMA Artist Center noong 2013.

“I just wanted to do hosting, pero pinag-acting workshop na rin nila ako.

"And eventually nabigyan ako ng acting jobs sa mga teleserye like Kambal Sirena, Naku Boss Ko, and Juan Happy Love Story.

“Pero pinaka-enjoy ako sa Bubble Gang.

“Natural na kasi sa akin ang maging komedyante, kaya naging thankful ako to be part of Bubble Gang,” saad niya.

TONI GONZAGA LOOK-ALIKE. Marami ang nagsasabing kahawig ni Arianne ang TV host-actress na si Toni Gonzaga.

Ang maganda pa nito ay na-meet na niya personally ang tinaguriang Ultimate Multi-Media Queen ng Kapamilya network.


Kuwento ni Arianne, “I always get comments that I look like her.

“Actually, compliment siya for me kasi maraming ina-idolize siya. Ayun, parang nasanay na ako.

“When I was able to finally meet Toni in person, parang nakakatuwa lang kasi parang kilala na niya ako.

“Sinabi pa niya, ‘Ano ka ba?! Sabihin mo sa kanila na mas maganda ka at saka mas bata ka.’

“Ginaganun niya ako, so at least mabait siya sa akin.

“Tapos, may mga agents ako na kinu-contact ako na, 'Arianne, punta ka, kasi Toni Gonzaga peg, ganyan-ganyan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“One time I did, pero hindi rin naman ako nakuha sa commercial.

“Never pa naman na parang, ‘Kukunin kita kasi kamukha ka ni Toni.’

“Nakukuha naman ako because of my acting.

“May nakukuha akong projects kasi kilala na ako ng mga agents at ng caster, kaya nagawa ako ng mga TV commercials.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN