Jade Lopez admits being pressured by parents to get married

Despite pressure from her parents, Starstruck 1 alumna Jade Lopez admits that she's not yet ready to get married: "Siyempre pinag-iisipan naming mabuti ng boyfriend ko ang lahat. Kailangan ready kaming pareho—mentally, emotionally, physically and financially. I still believe na may tamang panahon ang lahat."


Sa female batch ng StarStruck 1, tanging sina Jade Lopez at Sheena Halili na lang ang walang anak.

May sarili nang mga anak ang ka-batch nilang sina Jennylyn Mercado, Katrina Halili, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte at Cristine Reyes.

Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jade sa press conference ng Die Beautiful sa 38 Valencia Events Place in Quezon City noong nakaraang December 5, nagkakuwentuhan daw sila ni Sheena kamakailan at tungkol sa babies ang topic nila.

“Kaming dalawa na lang pala ni Sheena sa batch namin ang walang anak.

“Lahat sila may mga babies na.

“Nakakainggit!

“Kaya tuwing magre-reunion kami, ang pinag-uusapan nila ay mga anak nila.

“Hindi kami maka-relate ni Sheena!

“Kaya kami, panay attend na lang namin ng binyag or birthday ng babies ng mga ka-batch namin!

“Waley pa kaming sariling baby kasi!” tawa pa ni Jade.

NON-SHOWBIZ BF. Pero may non-showbiz boyfriend si Jade at nine years na silang magkarelasyon.

“I met him sa San Beda College noong nag-aaral ako roon ng B.S. Psychology.

“I met him through a common friend.

“Hindi niya alam na nagsu-showbiz ako.

“Later on na lang noong manligaw siya na nalaman niya na artista pala ako.

“Kasi may mga nagpapa-picture at humihingi ng autograph sa akin,” kuwento ni Jade.

PRESSURE FROM PARENTS. Priority raw ng boyfriend niya ang family business nito kaya hindi pa raw ito nagpu-propose sa kanya.

“Wala namang pressure mula sa akin.

“Kasi naiintidihan ko ang situation niya.

“Ang parents ko lang naman ang nagpe-pressure na mag-asawa na ako dahil gusto na raw nilang magkaroon ng apo.

“Twenty-eight years old na raw ako at matanda na ako.

“Dalawa lang kasi kaming magkapatid at kahit yung kapatid ko, wala pa ring asawa’t anak.

“Sabi ko, ‘Sige, ako na mag-propose para mabigyan na kayo ng apo!’ sabay tawa pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WILLING TO WAIT FOR RIGHT TIME. Hindi naman daw nagmamadaling magka-baby si Jade dahil naniniwala siya sa pagdating ng tamang panahon.

“Siyempre pinag-iisipan naming mabuti ng boyfriend ko ang lahat.

“Kailangan ready kaming pareho—mentally, emotionally, physically and financially.

“I still believe na may tamang panahon ang lahat.

“Hindi dapat minamadali ang isang bagay para lang sabihin na may asawa na ako or gusto ko na kasing magkaanak.

“There’s a right time for everything at willing naman akong maghintay,” pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN