Enchong Dee reveals ex-GF Samantha Lewis has a new boyfriend

IMAGE Noel Orsal

Enchong Dee has no regrets about his breakup with Samantha Lewis last January: "Nung birthday ko [November 5], nasa Italy ako, nag-send siya ng video from London. Pero meron na siyang bago [boyfriend], bigyan na natin siya ng katahimikan."


"Pahinga."

Ito ang naging sagot ni Enchong Dee nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kasalukuyang estado ng kanyang puso.

Halos mag-iisang taon nang hiwalay ang Kapamilya actor at ang kanyang ex-girlfriend na si Samantha Lewis.

Aniya, "Nitong January lang this year, di ba?

"Nung birthday ko [November 5], nasa Italy ako, nag-send siya ng video from London.

"Pero meron na siyang bago [boyfriend], bigyan na natin siya ng katahimikan."

Wala naman daw expiration date ang love life kaya ayaw niyang madaliin ito.

Hindi ba siya nanghihinayang sa naging relasyon nila ni Samantha?

Sabi ng 28-year-old actor, "Mahirap na rin kasing magsalita ngayon, kasi siyempre, may iba na nga siyang boyfriend.

"So, hayaan na lang natin siya.

"Naging maayos ang paghihiwalay namin, at saka naging magkaibigan kami.

"Bago siya umalis, nagkita pa kami, so maluwag yung..."

Nakausap ng PEP si Enchong pagkatapos ng premiere night ng pelikulang Mano Po 7: Chinoy ng Regal Entertainment Inc., na ginanap sa Cinema 9 ng SM Megamall noong Biyernes, December 9.

BLESSINGS FOR 2016. Kaya sa ngayon, nakatutok daw siya sa career lalo na't naging maganda naman ang takbo ng taong 2016 para sa kanya.

Saad ni Enchong, "Okey ako kasi nakatatlong pelikula ako.

"Tapos, travels, nagkaroon ako ng panibagong restaurant, panibagong album.

"Sabi ko nga, yung suwerte ay nasa atin naman 'yan, e. Tayo ang gagawa niyan.

"So, wala tayong puwedeng sisihin kundi ang sarili natin.

"Career-wise, sobrang okey."

Maliban sa Mano Po 7, napanood din si Enchong sa mga pelikulang Lila at I Love You To Death.

HONING HIS DRAMATIC FLAIR. Sa puntong ito, kinunan namin siya ng pahayag sa napakagandang feedback sa kanya ng press at moviegoers tungkol sa acting niya sa Mano Po 7: Chinoy.

 Marami siyang dramatic scenes dito kung saan lumutang ang galing niya sa pag-arte.

Sabi naman ni Enchong, "Maraming salamat.

"Maganda rin kasi yung naibigay sa akin na role, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang nasa oras siya, nasa panahon.

"Tapos, pang-ilang beses na rin namin siguro ni Jessy [Mendiola] na nagkatrabaho, kaya yung comfortability namin sa isa't isa, makikita mo."

Sa karamihang nagawa niyang pelikula at teleserye, dito nga raw lumabas ang pagiging aktor niya sa totoong salita nito.

Ani Enchong, "Well, siguro dahil binigyan ako ng Regal Films ng isang role na... alam mo yun, yung hindi usual.

"Hindi yung parati kong gingawa, kasi yun din naman ang hinihintay namin, di ba?

"Kailangan lang din lang kaming mabigyan ng pagkakataon.

"Part kasi yun, di ba, ng isang aktor na pag-aralan mo kung ano yung ibinigay sa iyo na role.

"Pero kasi, katulad ng sinabi ko kanina, ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon.

"Like, unang movie ko sa Regal, [isa akong] bangkay. Ngayon naman, adik.

"O, di ba? Parang ang sarap mo laruin yung... hindi yung lagi na lang boy-next-door.

"Paano mo maipapakita yung galing mo kung hindi ka naman nabibigyan ng pagkakataon?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN