Sandara Park's first solo performance after 2NE1 breakup goes viral

IMAGE Photo grabbed from You Tube

Sandara Park trended on social media after her stunning solo performance in ABS-CBN's Pinoy Boyband Superstar yesterday, December 10. It was her first public appearance since the breakup of the all-female Korean group 2NE1.


Nagpasikat si Sandara Park sa unang gabi ng live finale ng Pinoy Boyband Superstar na siya ring kanyang unang performance mula nang mailabas ang balitang pag-disband ng kanyang all-female Korean group na 2NE1 nitong November.

READ: K-pop girl group 2NE1 officially disbands; Sandara Park to focus on solo career

Kumanta at sumayaw si Sandara sa saliw ng Korean single na “Kiss” sa Pinoy Boyband Superstar nitong nakaraang Sabado, December 10, kasama ang grand finalists ng show.

Isa si Sandara sa apat na judges ng reality singing competition ng ABS-CBN, kasama sina Yeng Constantino, Aga Muhlach, at Vice Ganda.

Sa kanyang Instagram accoun,t nag-post pa si Sandara ng photo kasama ang finalists ng programa.

Wala pang 24 oras mula nang mai-post ang performance ni Sandara sa YouTube ay umabot na ito sa halos kalahating milyong page views.

Samantala, magaganap naman ang second night ng grand finals night ng programa ngayong Linggo ng gabi, December 11.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN