Catriona Gray among top 24 Beauty With A Purpose finalists

IMAGE Instagram

Miss World-Philippines Catriona Gray moves another step closer to the Miss World crown as she lands among the top 24 finalists in one of the pageant's ongoing preliminary competitions: the Beauty With A Purpose Challenge. The Miss World 2016 pageant will be held at the MGM National Harbor, Washington, D.C. on December 18.


Muling nakapasok ang pambato ng Pilipinas sa Miss World na si Catriona Gray sa isa pang contest segment ng nasabing prestigious beauty pageant, ang Beauty With A Purpose, kunsaan mamimili ang mga judges ng twenty-four introduction videos ng mga kandidata na nagpapahayag ng kani-kanilang mga Beauty With A Purpose campaigns.

Sa nasabing videos, tatalakayin ng bawat kandidata ang kanilang mga adbokasiya, mga isinusulong na proyekto, o kaya ay charity works sa kanilang bansa upang makatulong sa pamayanan.

Pasok si Catriona na sumusuporta sa kanyang Paradiso Project, na naglalayong makapagpatayo ng paaralan para sa mga kabataang naninirahan sa garbage sites.

Bukod pa rito, nauna na ring nakapasok si Catriona sa Talent Competition ng nasabing patimpalak kunsaan namili ng 10 kandidata bilang finalists para sa talent competition.

Kung sino ang mananalo sa talent competition ay automatic na mapapasama sa Top 20 sa grand coronation na gaganapin sa MGM National Harbor sa Maryland, Washington, D.C. sa December 18 (December 19 sa Pilipinas).

Bukod sa Pilipinas narito pa ang 23 kandidatang nakapasok sa Beauty With A Purpose competition, ayon sa Miss World website:

Australia - Helping Indigenous Children

Belgium - Assisting Children in Cambodia

Hungary - Equestrian Therapy

Chile - Teaching Blind Children Music

China - Assisting a variety of care centers (Children with brain damage, building houses for children, helping the elderly)

Colombia - Sponsoring Victims of Violence & Displacement

Cote D’Ivoire - Helping victims of Buruli Ulcer Skin Disease

Dominican Republic - Talent Program for Youth

Fiji - Project Qelekuro- Assiting Victims of Cyclone Winston

Guadeloupe - Helping the elderly

Indonesia - Dreams Beyond the Dumpsite- Helping the scavengers of dumpsites

Ireland - Alzheimer’s Society of Ireland

Mongolia- Brothers-Sisters Mentorship Program

Nepal - Classroom & Beyond- Providing classrooms for children

Nigeria - Helping Education Centers

Panama - A Chance to Change- Helping women in correctional facilities

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Rwanda - Targeting a variety of problems in Rwanda (Visiting Veteran Centers, Malnutrition Awareness, Drug Abuse, Domestic Tourism, Child Education)

Sierra Leone - Helping orphans of the Ebola Virus

Sri Lanka - Helping a School for children of Mental and Physical Disabilities & Red Cross Ambassador

Tanzania - Female Genital Mutilation and Gender Discrimination

Thailand - Working against Deforestation

United States - Habitat for Humanity

Venezuela - Improvement and Reconstruction of a school

Samantala, magbobotohan ang mga Miss World judges kung sino sa mga kandidata ang may pinakamagandang Beauty With A Purpose video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN