TJ Trinidad firm in resolve not to enter politics: "It's not my cup of tea."

IMAGE Allan Sancon

Despite coming from a family of politicians, actor TJ Trinidad explains why he doesn't want to pursue a career in politics: "Iba yung mundo nun, e. I tried it. It opened my eyes to a lot of things. It helped me a lot, I learned a lot, and it made me a better person. And I think that's what I take away from it in terms of being a politician. It's not my cup of tea. Hindi para sa akin yun, e."


Sigurado si TJ Trinidad sa kanyang pahayag na hindi na niya uli papasukin ang pulitika.

Sinubukan ng aktor na tumakbo bilang konsehal ng 1st district ng Pasay City noong 2013, pero hindi ito pinalad.

Hindi naman daw ang pagkatalo ang dahilan kaya ayaw na niyang tumakbo uli.

Pagkatapos ng mga naobserbahan niya nang sumali ito, napagtanto raw niyang hindi ito para sa kanya.

Lahad niya, “Iba yung mundo nun, e.

“I tried it.

“It opened my eyes to a lot of things.

“It helped me a lot, I learned a lot, and it made me a better person.

“And I think that’s what I take away from it in terms of being a politician.

“It’s not my cup of tea. Hindi para sa akin yun, e.”

LESSONS LEARNED. Sa ilang buwang pangangampanya, marami raw siyang nakitang maling pamamalakad at sistema na hindi niya matanggap.

Ani TJ, “Marami akong natutunan, marami akong nakitang nakakatakot na nakakaawa.”

Isa na ba rito ang korupsyon na nasaksihan niya?

“Ang daming pera, pero hindi natin maintindihan kung bakit hindi napupunta sa talagang mahihirap.

“Yun lang.

“Marami akong tanong,” tugon nito nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang presscon ng MMFF entry niyang Saving Sally.

CAN'T CHANGE THE SYSTEM. Tanggap na rin ni TJ na wala na siyang magagawa para baguhin ito.

“Nakikita ko lang na hindi siya magbabago.

“It will take a while.

“Hindi ko siya mababago.

“I’m being realistic about that. Hindi ko talaga siya mababago.

“I can help more I think if I’m not in it,” saad ng kuwarenta-anyos na aktor.

Nasa pamilya ng mga pulitiko si TJ pero naiintindihan daw siya ng pamilya niya sa sarili niyang pananaw.

Hindi na raw siya pinakiusapan o pinilit ng pamilya niya na subukan uli ang pagtakbo.

“Mahirap pumasok sa pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s a 24/7 job.

“Very demanding na talagang it’s really for a person na yun talaga ang calling,” diin pa nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN