Bianca Manalo flies to Brazil this Christmas to meet BF Fabio Ide's family

Bianca Manalo will finally meet the family of her boyfriend Fabio Ide in Sao Paulo, Brazil this Christmas: "Yes, sa Brazil ako mag-Christmas with Fabio. I will finally get to meet his whole family. Matagal na niyang gustong mangyari iyon."


Kinumpirma ng beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo na sa Brazil siya magpa-Pasko kasama ang boyfriend niya, ang Brazilian-Japanese model-actor na si Fabio Ide.

Niregaluhan nga raw ni Fabio si Bianca noong birthday nito last November 28 ng isang round-trip plane ticket to Brazil.

Nais na raw ni Fabio na makilala na ni Bianca ang kanyang buong pamilya sa Sao Paulo, Brazil.

“Yes, sa Brazil ako mag-Christmas with Fabio.

“I will finally get to meet his whole family.

“Matagal na niyang gustong mangyari iyon.

“Ako naman, I am just waiting for the right time para ma-meet ko ang family niya.

“Kaya sobra akong happy that it is finally happening!” pahayag pa ni Bianca nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last December 10 sa kanilang tahanan sa Forbes Park in Makati City.

NOT YET ENGAGED. Matagal na rin daw nilang pinag-uusapan ni Fabio ang mag-settle down na.

Nasa tamang edad na raw sila. Bianca is 28 and Fabio is 32.

Pero pinabulaanan ni Bianca na engaged na sila ni Fabio.

“No, we’re not engaged yet.

“Wala pa naman. But we have been talking about it – yung magpakasal and all that.

“Pero wala pang proposal.

“But it will come.

“Hindi ko lang alam kung kelan, pero darating din kami diyan,” tawa pa niya.

LOVING FABIO'S DAUGHTER. Higit na isang taon na ang relasyon nina Fabio at Bianca at nasabi na rin noon ni Bianca na ready siyang maging stepmom sa anak ni Fabio na si Danielle Mikayla who is now 3-years old.

Anak ni Fabio si Danielle Mikayla kay Denisse Oca, na siya namang anak ng aktres na si Melissa Mendez.

Bago raw sila magkaroon ng pormal na relasyon ni Fabio, tanggap na ni Bianca ang mga taong mahal ng kanyang boyfriend, kasama na roon ang anak nito.

“When I stepped into the relationship I knew in my heart may anak siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Package 'yon, hindi puwede yung ayaw ko 'yan.

“Kung mamahalin mo siya, buo kung ano ang mayroon siya,” diin pa ni Bianca.

SISTER NICHOLE NOW A BEAUTY QUEEN. Isa pang ikinatutuwa ni Bianca ay ang pag-place bilang third runner-up ng kanyang sister na si Nichole Marie Manalo sa Miss Globe Beauty Pageant na ginanap sa Tirana, Albania noong nakaraang November 26.

Nung coronation night daw ng Miss Globe ay hindi na-announce ng mga hosts ang third and fourth runner-up winners.

Ang first and second runner-up at ang winner na si Dimple Patel of India lang ang na-announce nila.

“They had another coronation night para formally i-announce yung third and fourth runner-up.

“I am so proud of my sister. Worth it ang biyahe namin to Albania.

“Grabe ang biyahe. We had four stopovers. Para kang pumunta sa Amerika nang dalawang beses.

“But it was a big moment for my sister. Kahit na hindi siya ang nanalo, para sa amin, she’s our Miss Globe.”

Si Nichole Marie Manalo ang ika-apat na beauty queen sa pamilya ni Bianca.

Una ay ang kanilang aunt na si Nini Licaros-Ramos na nanalong Bb. Pilipinas-International in 1958.

Sumunod ang kanyang elder sister na si Katherine Anne Manalo na naging Bb. Pilipinas-World in 2002.

Si Bianca naman ay nanalong Bb. Pilipinas-Universe in 2009.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN