Ronnie Alonte admits alleged video scandal helped make him popular

IMAGE Noel Orsal

Ronnie Alonte on speculations that his alleged video scandal is just a gimmick to make him popular: "Kailangan bang maglabas ng scandal para lang makilala ng tao? Siyempre, gusto ko yung malinis na nakilala ako ng tao na mabait, magaling, ganun."


Isang taon pa lang sa showbiz ang Hashtags member na si Ronnie Alonte, pero maingay na ang pangalan niya.

Lalo itong umingay dahil sa diumano’y photo/video scandal na kinasasangkutan niya.

Itinanggi na ito ni Ronnie sa mga nauna niyang panayam.

Read: Ronnie Alonte speaks up on his alleged photo/video scandal

Pero sa tingin ba niya ay nakatulong ang paglabas ng sex scandal na yun para mas maging maingay at makilala siya?

“Tingin ko, nakatulong din!” natawang sagot niya.

“Parang pinag-usapan din ng mga tao na, 'Sino ba ‘tong Ronnie Alonte na ‘to?'

“Tapos, nakita nila ako, bigla nila akong napapanood sa It’s Showtime every day.

“'Ito pala yung may scandal.' So, nakatulong din.”

Kahit itinanggi ni Ronnie na siya ang nasa video scandal, may nagsasabi pa ring parang baka gumigimik lang siya kaya niya ginawa yun para magkaroon ng ingay ang pangalan niya.

Pahayag niya tungkol dito, “Hindi, para naman akong loko nun.

“Kailangan bang maglabas ng scandal para lang makilala ng tao?

“Siyempre, gusto ko yung malinis na nakilala ako ng tao na mabait, magaling, ganun.”

Biro naman sa kanya ng press, mukhang naughty talaga siya.

“Oo, may pagka-naughty talaga ako!” natawang pag-amin ni Ronnie.

“Pero hindi naman ako yung gagawa ng scandal.

“At saka, mula pagkabata ko, wala pang nagyaya sa akin na mag-Skype, mag-send ng video o picture, wala talaga.”

BULLY. Mapapanindigan kaya niyang hindi siya ang nasa video scandal sa kabila ng marami na ring mga artistang na-involve sa sex scandal pero nag-deny rin?

Diin ni Ronnie, “Ako, hindi talaga ako yun.

“Yung mga nag-deny, ewan ko sa kanila.

“Pero ako, hindi talaga ako yun.

“Yung pagkaloko ko, hindi ako ganun. Loko ako sa mga kaibigan.”

Kuwento niya, “Dati kasi, palagi akong binu-bully

“So, medyo nung nakaanu-ano ako, dumating yung time na ako ang nang-bully.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang medyo bumawi ako nang konti.

“Pero na-realize ko sa sarili ko na hindi ako yun.

“Medyo nakapagbago po ako. Naawa ako sa family ko.

“Sobrang loko ko. Hindi ko inayos ang pag-aaral ko, nakikipag-away ako palagi.

“Umulit ako ng high school, yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ronnie sa pocket presscon ng Seklusyon, na ginanap sa opisina ng Reality Entertainment/Mothership sa Scout Bayoran, Quezon City, noong December 9.

Ang Seklusyon ay isa sa dalawang pelikula ni Ronnie na nakapasok sa 2016 Metro Manila Film Festival ((MMFF).

Ang isa pa ay ang Vince & Kath & James.

NO COMPETITION AMONG HASHTAG MEMBERS. Sa mga miyembro ng Hashtags, si McCoy de Leon ang mas kilala at mas maraming projects.

Pero ngayon daw, tila nadaig na ni Ronnie si McCoy dahil bukod sa dalawang MMFF movies, may concert at may bago pa siyang teleserye.

May pagkakataon bang na-threaten siya sa nagsisimula nang popularidad ni McCoy?

Ayon kay Ronnie, “Hindi, hindi po, e.

“Hindi ba, nag-start ang Hashtags na zero talaga ako?

“Ako po talaga yung fresh na hindi kilala ng mga tao.

“Lahat naman talaga sila, artista na, gandang lalaki.

“Noong una, yun, talagang natakot ako.

“Parang hindi ako… paano ako mapapansin ng tao, paano ako gagawa ng eksena?

“Sabi nila, kung ikaw talaga ang gusto ng tao, kung meron talagang ano sa ‘yo na parang magugustuhan nila, kahit hindi ka kumilos diyan, magugustuhan nila.

“Hanggang yun nga po, nakikilala na pala ako ng tao hanggang sa sinasabi nila na, ‘Si Ronnie, ‘yan yung ano...’

“Si McCoy naman po, inamin ko naman po na nag-PBB [Pinoy Big Brother] siya, at kahit sino naman na pumasok sa PBB, nakikilala.”

Maliban kina Ronnie at McCoy, ang iba pang mga miyembro ng Hashtags ay sina Jimboy Martin, Ryle Santiago, Zeus Collins, Tom Domoral, Jameson Blake, Nikko Natividad, Paulo Angeles, Jon Lucas, at Luke Conde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN