Ella Cruz on ex-BF Bret Jackson: "Mas hot siya, mas nag-mature ang katawan niya."

IMAGE Ella Cruz Instagram

Now that she's seeing more of Bret Jackson again because of work, Ella Cruz rates him as hotter than ever. But, no, she is not in the mood for romance. "Gusto ko muna talaga mag-focus sa sarili ko. Naka-focus talaga ako sa priorities ko—work, dancing, acting," she declared.


Maayos naman daw ang naging breakup noon nina Ella Cruz at Bret Jackson kaya hindi sila naiilang sa isa't isa ngayong magkasama sila sa pelikulang Dark Room ng Viva Films.

Ito ay sa kabila ng wala silang direktang inamin noon tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Pahayag ni Ella, "Maayos kaming nagkausap na kailangan muna naming mag-focus sa mga sarili namin.

"Sa work ko, sa work niya, ganyan.

"Hanggang sa one time na nagkasama kami sa Viva office dahil nga sa movie, nagkabatian na parang, 'Oy, kumusta?'

"Maganda, kasi walang bad vibes."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ella sa shooting ng Dark Room, sa Tuscan Building, sa Makati City, noong December 7.

HE’S HOT. Kumusta naman sa paningin niya ngayon si Bret matapos ang kanilang breakup?

Sagot ng dalaga, "Mas hot siya. Charing!

"Mas hot siya, mas nag-mature ang katawan niya.

"Mature ba siya? Parang hindi naman.

"So, yun, I still think that Bret is a nice guy."

Wala bang usapang magkabalikan sila lalo na't matagal din silang magsasama sa shooting?

Natatawang tugon ni Ella, "Wala, wala... hindi namin napag-uusapan.

“Naka-focus talaga ako sa priorities ko—work, dancing, acting.

“Ganun din naman ang sinasabi niya, di ba?"

Sabi pa niya, "Sa ngayon kasi, ayoko muna na anything na... hindi naman sa ikagugulo, gusto ko muna talaga mag-focus sa sarili ko.

"Kahit naman papaano, hinihingi natin 'yan sa sarili natin na mag-focus muna sa gustong ma-achieve natin sa buhay.

"Twenty na kasi ako, kaya gusto ko munang malaman kung ano ba ang gusto ko sarili ko, kung ano talaga ang goals ko."

Mas okey ba na single siya ngayon?

Ayon sa dancer-actress, "Depende naman yun kasi happiness is a choice naman, di ba?

"So, choice mo 'yan kung magiging happy ka."

SAME, SAME. Parang ang bilis niyang maka-move on sa naging relasyon nila ni Bret?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Ella, “Wala naman kasing dapat ika-move on kasi maayos naman talaga yung pag-uusap namin.

“Nakakatuwa lang na nagkasama ulit kami sa movie, dito ko rin na-realize na hindi nawala ang closeness namin."

Kumusta naman ang unang eksena nila together?

Aniya, "Actually, first scene namin ito ngayon, kami ang mag-boyfriend dito.

"Siguro kung paano niyo kami nakita sa mga eksena namin sa shows before, ganun pa rin.

"Same, same, naging magkaibigan din naman kasi kami kaya okey lang kami."

Sabi pa ni Ella, "Nakakatuwa naman kasi first time naming magkatrabaho ulit pagkatapos ng how many months.

"Tapos na-miss din naman ang isa't isa kaya nung una parang, 'Oy, oy! Magkatrabaho ulit tayo.'

"Andun pa rin yung friendship na naiwan namin dahil hindi kami nagkita sa dami ng trabaho.

"Nakakatuwa na ganun pa rin, walang nagbago."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN