When did James Reid and Nadine Lustre realize their love was for real?

IMAGE Nerisa Almo

James Reid on his 'smooth relationship' with Nadine Lustre: "We're enjoying it. We're having a lot of fun. Of course, we enjoy sharing this with the fans."


Timeout muna sa kanilang busy schedule ang celebrity couple na sina James Reid at Nadine Lustre para ipagdiwang ang kanilang 10th monthsary bilang magkasintahan, kasama ang Jadine fans.

Sabi ni Nadine, “I think this is the first time we're celebrating with fans.

“We're super happy kasi finally nakapag-celebrate tayo together.”

Pagsang-ayon naman ni James, “It's the first time to celebrate with fans.”

Ilang piling fans ang pinaunlakan ng Jollibee na makasama ang Team Real ng Till I Met You para sa isang kakaibang selebrasyong tinawag na “Live with Jadine” sa Century City Mall, nitong Linggo ng gabi, December 11.

Dito ay nagkaroon ng Q&A sa isa't isa ang reel-to-real couple kung saan nagbigay sila ng ilang mga detalye tungkol sa kanilang relasyon.

Isa na rito ang tanong kung kailan nalaman ni Nadine na “real deal” ang pagmamahal sa kanya ni James.

Sagot ng 23-year-old actress, “Feb 11, siyempre.

Feb 11 yung first time kaming nag-dinner sa labas. Tapos...

Alam niyo naman yun, e. Alam niyo na yun.

Yun na yung sinabi niya na parang hindi ko raw ba in-expect na ganun siya kapag in-love siya.

Yun na yung nagkabukuhan na. O, di ba, alam niyo na rin yun?

At siyempre, noong nag-'I love you' na rin ako, yun na 'yon.”

02.11.16 ?? @jaye.wolf

A photo posted by Nadine Lustre (@nadzlustre) on

Inamin ng dalawa ang kanilang relasyon sa Jadine In Love concert noong February 20, kung saan sinabi ni James kay Nadine ang mga katagang “I love you.”

Read: James Reid says "I love you" to girlfriend Nadine Lustre at concert

How are James and Nadine on their 10th month of being in a relationship? ????

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on

Sa hiwalay na panayam sa dalawa, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kumusta na ang relasyon nila matapos ang sampung buwan.

Matipid na sagot ni James, “It's been perfect so far.”

Pareho rin nilang sinabi na, “It has been easy and very smooth.”

Happy 10th monthsary, JaDine! ????

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on

Halos ganito rin ang naging sagot nila sa tanong ng isang fan kung ano ang mga challenge na naranasan nila sa kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng 23-year-old actor, “I think, so far, it's been a very smooth relationship.

“I think the only thing, I guess, you know, is privacy as a couple.

“But we're enjoying it. We're having a lot of fun.

"Of course, we enjoy sharing this with the fans."

Ayon sa Kapamilya stars, marami pa raw dapat abangan sa kanila sa susunod na taon. Isa na rito ang bagong album ni James.

Sabi pa ni Nadine sa huli, “Basta surprise na lang. Marami kaming suprises para sa lahat, magugulat kayo.

“Hindi na namin sasabihin sa inyo para surprise na lang talaga pagdating ng 2017.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN