Steve Harvey on Miss Universe 2015 blunder: "It was four minutes of pure hell!"

IMAGE Screengrab from The Tonight Show starring Jimmy Fallon

Inamin ni Steve Harvey na hindi siya pumayag noon na ipagpabukas pa ang pagsasabing si Pia Wurtzbach ang totoong nanalong Miss Universe 2015. Pinalaki raw siya ng kanyang mga magulang na tinuruan kung paano harapin ang mga sitwasyong katulad ng kanyang nagawa.


Katakut-takot na batikos at pangungutya ang inabot ng American host-actor na si Steve Harvey dahil sa kanyang pagkakamali sa pagtawag sa nanalong Miss Universe noong 2015.

Sa halip na si Pia Wurtzbach ng Pilipinas ang kanyang binasang pangalan, ang kandidata mula sa Colombia na si Ariadna Gutierrez ang kanyang natawag.

Read: Miss Universe 2015 host Steve Harvey apologizes for "honest mistake" in announcing the winner

Kahit humingi na siya ng dispensa noon, may bagong paliwanag si Steve tungkol sa nangyari na ngayon lamang niya ikinuwento.

Sabi ni Steve sa panayam sa kanya ni Jimmy Fallon sa The Tonight Show Starring Jimmy Fallon noong December 6, ang naranasan niya ay "four minutes of pure hell."

“It wasn’t that quick… It was four minutes of pure hell… It was like hell up there.”

Pahayag pa ng The Family Feud host, “It was crazy, man, because I’m a smart guy. You know, I can read…

“I read the teleprompter, but the guy in my ear said, ‘Read the next name.’

"Now, the teleprompter just said, ‘And the new 2015 Miss Universe is’ and next he said, ‘Read the next name. Now. Now.’ I said, ‘Miss Colombia.’

"Crowd goes crazy. He goes, ‘Great job, Steve.'

“I go on the back four minutes later. I hear a lot of words that you can’t say on TV.

"Explicit, explicit, explicit, and they said, 'We said the wrong name.'

"And the guy said, 'What are we gonna do?'

"And the guy said, 'We’ll straighten it out in the media tomorrow.'

"And I said, 'No, man, I’m gonna do it now.' And I walked out there.”

Bakit niya naisip na isaayos na agad ang pagkakamali noong mga oras na yun?

Sagot ni Steve, “It was the most gut-wrenching walk I’ve ever had in my life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I went back out there, but, you know, I was brought up that way, man, to kind of just face whatever it is.

"So I went out there and dealt with it and I tried to straighten it out."

Sa kabila ng nangyari, si Steve pa rin ang maghu-host ng Miss Universe 2016, na gaganapin sa Pilipinas sa January 30, 2017.

Sabi ni Steve, “Hell, yeah, I’m going back.”

Makakasama ni Steve na maghu-host ang isang Pilipina.

Read: Steve Harvey to host Miss Universe 2016


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN