Rosanna Roces lashes back at netizen over comment about same-sex marriage

IMAGE Alexas Gardens Venues Facebook

Rosanna Roces on netizen who commented about her wedding to lesbian partner Blessy Arias: "Pag sinabing SAME SEX… naiiwan ang salitang SEX sa kamalayan nila. Kaya imbis na makita ang KARAPATAN.. KALIBUGAN at KALASWAAN ANG sinasaksak sa kukote."


Binuweltahan ni Rosanna Roces ang isang Facebook user pagkatapos nitong batikusin ang pagpapakasal ng aktres sa lesbian partner niyang si Blessy Arias.

Ikinasal sina Rosanna at Blessy, sa ikalawang pagkakataon, sa Alexas Gardens Venues, sa Antipolo, Rizal, noong December 10.

Unang nagpakasal sina Rosanna at Blessy sa Canada noong September.

Read: Rosanna Roces marries lesbian partner Blessy Arias for the second time

Sa Facebook page ng GMA Network, kung saan lumabas ang isang artikulo tungkol sa kasal nina Rosanna at Blessy, isang Facebook user na nagngangalang Jean Nunez ang nagkomento.

Sabi ng netizen: “sabi ni GOD na humayo kayo at magpakarami. Paano kayong dadami eh parehas kayong FINGERS ang gamit.”

Ang tinutukoy rito ng netizen ay ang katotohanang pareho ang sex organs nina Rosanna at Blessy.

Hindi ito nagustuhan ni Rosanna at binanatan ang nasabing netizen sa kanyang Facebook post.

Kalakip ang screen grab ng komento at profile pic ni Jean Nunez, pinagsabihan at pinagbantaan ito ni Rosanna sa kanyang mensahe.

Pahayag ng dating sexy star, “Eto ang ehemplo ng mga taong malabnaw pa sa taho ang utak. Ang hirap kasi sa mga animals na Bashers ng Lgbt.

“Pag sinabing SAME SEX… naiiwan ang salitang SEX sa kamalayan nila. Kaya imbis na makita ang KARAPATAN.. KALIBUGAN at KALASWAAN ANG sinasaksak sa kukote.”

Pagkatapos nito ay naging personal na ang atake ni Rosanna sa netizen.



Stories We Are Tracking

MMFF 2016 entries to be shown in fewer theaters
MMFF 2016 entries to be shown in fewer theaters
Rosanna Roces marries lesbian partner for the second time
Rosanna Roces marries lesbian partner for the second time
Rosanna to wed lesbian lover in August and December
Rosanna to wed lesbian lover in August and December


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN