Kris Aquino and kids to celebrate Christmas abroad

IMAGE Instagram photo of Kris Aquino

Kris Aquinoon not spending Christmas in the Philippines: "Sa-sacrifice na namin ang Pasko here para malaman namin what I need to do to be at my best physical condition."


Hindi sa Pilipinas magdiriwang ng Pasko si Kris Aquino at ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Base sa Instagram post ng TV host-actress ngayong Martes, December 13, kailangan nilang umalis ng bansa ngayong Christmas season para sa kanyang health examination.

Sabi ni Kris, “I wanted to reassure my siblings & my sons that my health will be at its best.

“Kaya sa-sacrifice na namin ang Pasko here para malaman namin what I need to do to be at my best physical condition so that I can give my 100% to my family & my career.”

Ngunit ipinangako ni Kris na magiging mas aktibo siya sa trabaho sa 2017.

“To all of you who patiently waited for me to return to the work I love most & the work you've missed me doing- January 2017 starts a full slate for me,” sabi ni Kris sa kanyang post.

Kaugnay nito, nagbigay ng unang pasilip si Kris sa kanyang social media followers sa magiging programa niya sa digital platform.

Narito ang una niyang food trip para sa nasabing programa:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN