Prince Stefan scolds boyfriend over nude picture; sees himself marrying a woman

IMAGE Paolo Amores Instagram

Prince Stefan on same-sex marriage: "Okey na yung boyfriend siguro, pero hindi na para magpakasal pa... siguro nakalakihan ko lang din na ang ikinakasal, babae at lalaki. Awkward for me na ako yung ikakasal sa kapwa ko lalaki."


Ikinuwento ni Prince Stefan na napagalitan niya ang kanyang boyfriend na si Paolo Amores dahil nag-post ito sa Instagram ng nude picture.

Inamin ni Prince na siya ang photographer ng litrato ni Paolo habang naliligo nang walang anumang saplot sa katawan.

Ikinagulat daw niya ang paglabas nito sa social media.

This hotel is top the line for a 3 star hotel here in Quezon City. Love their toilet too #worthit

A photo posted by Paolo Amores (@paoloamores) on

Kuwento ni Prince nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Sari Sari Channel ng Cignal TV ngayong Martes, December 13, “Ako ang kumuha nun.

“Naghiwalay kami that day. Umuwi ako ng bahay, umuwi siya, ipinost niya.

“Wala naman siyang pakialam, hindi naman siya artista.

“Pinapagalitan ko yun. Ewan ko ba sa baklang 'yon!

“May mga bagay na hindi mo kailangang i-post, pero siyempre, hindi naman kasi siya artista.”

Rainy Friday afternoon.. just perfect to stay in bed and cuddle

A photo posted by Paolo Amores (@paoloamores) on

NO TO SAME-SEX MARRIAGE. Mahal na mahal daw ni Prince si Paolo, pero wala sa bokabularyo niya ang magpakasal sa kapwa lalaki.

Saad ng StarStruck alumnus, “Parang hindi.

“Okey na yung boyfriend siguro, pero hindi na para magpakasal pa.

“Ewan ko, para sa akin, ang kasal... siguro nakalakihan ko lang din na ang ikinakasal, babae at lalaki.

“Awkward for me na ako yung ikakasal sa kapwa ko lalaki.”

You are my happiness ????#GameOnWednesdays

A photo posted by Paolo Amores (@paoloamores) on

Paano kung mahal na mahal niya yung lalaki?

Ayon kay Prince, “Mahal na mahal ko naman siya, pero hindi ko nakikita ang sarili ko.

“I'm sure, siya ganoon din.

“Pero nothing against anyone, ha?

“Ako, gusto ko sa boyfriend ko, boyfriend lang. Relationship lang.”

Dagdag pa niya, “Nakikita ko ang sarili ko, magpapakasal sa babae.

“Nakikita ko yun dati pa, magkakaasawa, magkakaanak.

“Yung babae na matatanggap ako, yung baklang babae.

“Gusto ko talaga magkaanak.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN