Rich Asuncion admires how Sunshine Dizon deals with her marital woes

IMAGE @richelleasuncion / m_sunshinedizon Instagram

Rich Asuncion on Ika-6 Utos co-star Sunshine Dizon: "Siya yata yung epitome ng babaeng, 'Nasaktan ako, pero eto yung revenge ko, magiging maganda ako at magiging sexy ako at magiging successful.'"


Bilib si Rich Asuncion sa tapang at tatag ng loob ng kapwa Kapuso star na si Sunshine Dizon.

Ito ay sa kadahilanang wala raw makikitang “bakas” na iniinda ni Sunshine ang problema nito sa estranged husband na si Timothy Tan.

“She’s good,” paglalarawan ni Rich sa disposisyon ni Sunshine kapag nasa taping sila ng Ika-6 Na Utos.

“Siya yata yung epitome ng babaeng, 'Nasaktan ako, pero eto yung revenge ko, magiging maganda ako at magiging sexy ako at magiging successful.'

“Kumbaga, iyon yung dapat [ginagawa] talaga ng mga tao, kaya bilib din ako kay Ate Sunshine.”

Ayon pa kay Rich, professional si Sunshine pagdating sa trabaho at hindi dinadala sa set kung ano man ang personal na pinagdadaanan nito.

Nagkukuwento ba si Sunshine sa mga pinagdadaanan nito sa pakikipaghiwalay sa mister na si Timothy?

Sagot ni Rich,“Hindi, nahihiya rin naman akong maging masyadong mapag-ano sa personal life.

“Pero kunwari, kapag kinuwento ni Ate Shine [palayaw ni Sunshine], I’m willing to listen to her.”

Sa Kapuso afternoon soap na Ika-6 na Utos ay gumaganap si Rich (as Flor) bilang kaibigan ni Sunshine (as Emma) na kinaliwa ng mister.

Medyo true-to-life ang papel ni Sunshine, na bigay-todo raw sa mga eksena nito sa soap.

Hindi ba nahirapan si Rich mag-adjust kapag kaeksena niya si Sunshine na may paghuhugutan sa tunay na buhay?

Sagot ni Rich, “Kailangan kong maging matatag for her.

“So, yung eksena ko talaga, ‘Hindi, huminahon ka.’ Ganun ako lagi, ako yung composed as Flor.”

HAPPY LOVE LIFE. Taliwas sa masalimuot na istorya ng kinabibilangan nitong Kapuso soap, ibinahagi ni Rich ang masayang buhay-pag-ibig niya ngayon.

Napaka-supportive daw ng boyfriend niyang rugby player ng Philippine Volcanoes na si Benjamin “Ben” Mudie.

“I am so lucky na I have the best boyfriend in the world,” bulalas ni Rich.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya din talaga yung mas nagpu-push sa akin sa showbiz.”

Kapag nai-stress si Rich sa showbiz, si Ben ang umaalalay sa kanya.

“Siya yung, ‘Hindi, kaya yan!’ Very positive talaga ang influence niya sa buhay ko.”

Mahigit isang taon na ang relasyon nina Rich at Ben.

Wala man silang balak magpakasal anytime soon, aminado si Rich na nakikita na niya ang sarili bilang future Mrs. Mudie.

“Of course! Wala pa mang proposal or exact plan on [when we are] getting married, at least I found the man that I will marry.

“Pero definitely, it’s part of the plan.

“One step at a time… Business muna.”

Ngayon pa lang ay “my asawa” na ang tawag ni Ben kay Rich.

Pero nilinaw ng StarStruck alumna na term of endearment lamang iyon sa kanya ng nobyo niya.”

First order of business. ????

A photo posted by richellasuncion (@richellasuncion) on

JOINT BUSINESS WITH BEN. Kuwento pa ni Rich, plano sana nila ni Ben na mag-Pasko sa Australia para pormal siyang makilala ng pamilya ng binata na nakatira roon.

Pero maaantala ito dahil kailangan nilang pagtuunan ng pansin ang bagong bukas nilang business, ang Nail Cocktales Hand and Foot Spa sa Sapphire Residences sa Bonifacio Global City.

“Plinano namin siya parang halfway through the year...

“May tickets na kami and all pero hindi na siya magagamit.

“Hindi namin puwedeng maiwan yung spa kasi kami yung personal na nag-aasikaso.”

Dagdag pa niya, “Siguro pag naka-adjust na kami at established na yung business, puwede na namin siyang iwan sa mga kasama namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN