Fabio Ide to introduce girlfriend Bianca Manalo to his family in Brazil

IMAGE @fabioideofficial on Instagram

Excited na raw ang Brapanese model-actor na si Fabio Ide na ipakilala ang kasintahang si Bianca Manalo sa kanyang mga magulang sa Brazil. Lilipad ang dalawa papuntang Brazil sa Linggo, December 18.


Going stronger daw ang relasyon nina Fabio Ide at Bianca Manalo.

Katunayan, excited na ang Brapanese model-actor na ipakilala ang kasintahan sa kanyang mga magulang.

Masayang balita ni Fabio, “Okay naman, masaya kami.

"Uuwi na kami sa Brazil this Sunday, we will gonna be there for one-month vacation.

“I’m really excited for her to meet my family finally and tingnan natin kung ano ang mangyayari.

"Pero super excited kami."

Ngayong halos magdadalawang taon na ang kanilang relasyon, napag-usapan na ba na nila ang pagpapakasal?

Ayon kay Fabio, “We’re talking about it before, pero dahan-dahan lang muna.

“I want her to meet my family muna, to take a month break from showbiz, new air, tapos babalik na kami middle of January [2017].”

Itinanggi naman ni Fabio na nagli-live in na sila ng beauty queen-turned-actress na si Bianca.

Mangyayari naman daw iyon kapag kasal na sila.

Samantala, masaya si Fabio na may bago siyang show sa Sari Sari Channel ng Cignal TV, ang Ha-Pi House, na ipalalabas simula sa January 2017.

Makakasama niya rito sina Ali Khatibi, Prince Stefan, Empoy Marquez, Candy Pangilinan, Katarina Rodriguez, Phoebe Walker, at Karen Toyoshima.

@iamprincestefan @fabioideofficial and @empoymarquez here at Sari Sari and Cignal event. ????

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN