John Lloyd Cruz considers ex-girlfriend Angelica Panganiban as "best friend for life"

IMAGE Noel Orsal

Ini-enjoy raw muna ni John Lloyd Cruz ang kanyang pagiging single sa kasalukuyan. Saad pa niya, "You only live once and I definitely want to make the most of it."


Kahit mag-iisang taon na mula nang maghiwalay sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban bilang magkasintahan, hindi nagkaroon ng lamat ang kanilang samahan.

Katunayan, nitong mga nakaraang buwan, maraming pagkakataong nagkita ang dalawang Kapamilya stars.

Sa panayam ng ABS-CBN News Online kay John Lloyd, na lumabas ngayong araw, December 14, sinabi ng Home Sweetie Home star na itinuturing niya ang dating nobya na kanyang "best friend for life."

Namataang magkasama ang dalawa sa backstage ng Smart Araneta Coliseum para sa taping ng ABS-CBN Christmas Special kagabi, December 13.

Saad ng 33-year-old actor, “If anything, siyempre we don’t want to lose the friendship.

"Si Angelica has been my best friend, and I think she will remain my best friend for life.

"Walang makakapagpabago noon."


Stories We Are Tracking

Angelica opens up about being friends with John Lloyd
Angelica opens up about being friends with John Lloyd
Angelica denies reconciliation with John Llloyd
Angelica denies reconciliation with John Llloyd
Ex-couple John Lloyd and Angelica spotted in Makati resto
Ex-couple John Lloyd and Angelica spotted in Makati resto

Posible bang maibalik ang dati nilang pagmamahalan?

Tugon ni John Lloyd, “Let’s not get ahead of ourselves right now. This is not the best time to talk about that.”

Sa ngayon daw, ini-enjoy ni John Lloyd  ang kanyang pagiging single.

Pahayag ng aktor, “It’s not about being single. It’s all about enlightenment para sa akin.

“It’s all about new discoveries about yourself, your life, kung ano ang gusto mangyari.

"You only live once and I definitely want to make the most of it.

"Kung ano man ang pagdadaanan nating journey, it’s all going to be worth it for sure."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN