Ruby Rodriguez accused by netizen of using Maine Mendoza and being AlDub Nation hater

IMAGE Noel Orsal

Ruby Rodriguez answers a basher who called her nasty things as "OA," and "manggagamit."  


Sinagot ni Ruby Rodriguez ang isang basher sa Twitter na tumawag sa kanya ng mga di kanais-nais na salita, kagaya ng "OA" (over-acting), "manggagamit," at "hater ng AlDub Nation."

Nagsimula ito nang tawagin ng netizen, @CandiceYaranon, na “OA” ang Eat Bulaga! host.

Hindi tinukoy ng netizen ang dahilan kung bakit tinawag niyang “OA” si Ruby.

Pero sa kanyang tweets, tila may kinalaman ito sa pag-promote ni Ruby sa That's My Baes, ang all-male group na napapanood regularly sa Eat Bulaga! at mga bida sa GMA daytime teleserye na Trops.

Tinanong ni Ruby ang netizen kung may galit ito sa That's My Baes, na kinabibilangan nina Kenneth Medrano, Kim Last, Miggy Tolentino, Joel Palencia, Tommy Peñaflor, at Jon Timmons.

Sagot ng netizen, may galit siya sa That's My Baes.

Buwelta pa niya niya kay Ruby: "Kagaya kung ano ka kagalit kay Maine [Mendoza].

“Push n’yo pa ang Baes baka sakaling sumikat din anak mo, girl.

“Gamit-gamit lang kay Meng [Maine] pag di kaya.”


Ang tinutukoy ng netizen na "anak" ni Ruby ay si Toni Aquino, na kasama rin sa cast ng Trops.

Hindi na nakapagpigil ang comedienne-TV host at sinagot ang mga akusasyon ng basher.

Sabi ni Ruby, “Talaga lang ha? Ok so confirmed hater ka ng Bulaga.

“Alright everyone is entitled [to her opinion]. Merry Christmas,” ani Ruby.

Hindi pa tumigil dito ang basher at inakusahan si Ruby na "hater" diumano ng AlDub Nation at gusto raw nitong perahan ang AlDub.

Ipinaalala pa ng basher kay Ruby ang nangyari dati na nagpaawa umano si Ruby at “kinarma” umano ito.

Nagkaroon ng isyu si Ruby noong nakaraang Mayo nang mag-birthday ang kanyang ina, na humiling na makita nang personal si Alden.

Nakadalo si Alden sa birthday, pero hindi nakapunta si Maine.

Read: Ruby Rodriguez gets bashed by AlDub fans for being 'insensitive'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkalipas ng mahigit dalawang buwan ay pumanaw ang ina ni Ruby.

Read: Ruby Rodriguez still grieving over her mother's death

ALDUB FANS SUPPORT RUBY. Marami namang netizens ang pumanig kay Ruby at pinayuhang i-block ang naturang basher.

Tweet ni Ruby, ayaw sana niyang mang-block dahil nirerespeto nito ang pagkakaroon ng iba't ibang trip.


Sinang-ayunan din ni Ruby ang isang netizen na nagsabing kailangang sagutin minsan ang ilang trolls, lalo na kung wala ito sa lugar.


Sumuporta naman ang ilang AlDub fans kay Ruby.


Bandang huli, nakinig si Ruby sa netizens na nagpaalala sa kanyang huwag na lang pansinin ang basher.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN