JC de Vera on Jessy Mendiola-Luis Manzano relationship: "I hope they're happy."

IMAGE Noel Orsal

JC de Vera says he's not privy to Jessy Mendiola's relationship with Luis Manzano. "Usually naman, kung ano lang yung tungkol sa show, yun lang ang napagkukuwentuhan namin. Kulitan sa show, mga ganun lang. Mahirap naman kasi na... di ba? I think she's happy naman. Yeah, I guess so. Halata naman sa kanya, di ba?" says the Kapamilya actor.


Natutuwa si JC de Vera sa unti-unting paglabas sa publiko ng totoong relasyon nina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Si Jessy ay kasamahan ni JC sa Sunday gag show na Banana Sundae, at minsan na ring na-link ang dalawa nang magkasama sila sa teleserye ng ABS-CBN na You're My Home.

Pahayag ni JC, “Well, I hope they’re happy and sana ay ma-enjoy talaga nila yung each other.

“Sana magpatuloy lang yun at walang makasagabal na iba sa pagsasama nila.

“So, kung anuman ang magiging problema, lahat yun magkakaroon ng solusyon for them.

“Ipagdadasal ko na sana ay maging masaya lang sila lagi.”

Napagkukuwentuhan ba nila ni Jessy ang relasyon nito kay Luis, lalo na kapag nasa taping sila ng Banana Sundae?

Nakangiting sabi ng Kapamilya actor, “No, no, hindi naman.

“Usually naman, kung ano lang yung tungkol sa show, yun lang ang napagkukuwentuhan namin.

“Kulitan sa show, mga ganun lang.

“Mahirap naman kasi na... di ba? I think she's happy naman.

“Yeah, I guess so. Halata naman sa kanya, di ba?”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa presscon ng pelikulang Kabisera, isa sa official entries sa 2016 Metro Manila Film Festival, noong nakaraang linggo.

Isa siya sa cast members nito na pinangungunahan nina Nora Aunor at Ricky Davao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN