Yeng Constantino and husband plan to adobt a baby

IMAGE Noel Orsal

Yeng Constantino reveals that she and her husband talked about having their own babies and to adopt another one.


Ipinagpapaliban muna ni Yeng Constantino ang pagkakaroon ng baby dahil sa magandang takbo ng singing career niya ngayon.

Ikinasal si Yeng kay Victor "Yan" Asuncion noong February 2015.

Paliwanag ng ASAP performer, “Balak po namin, nung ikinasal kami, after two years, magbi-baby na.

"Pero sa mga nangyaring mga blessings sa career ko, naintindihan naman niya ako.

“Sabi ko, 'Love, pangarap ko 'to.' Ngayong dumarating, nagbubukas yung mga pinto...

"Okey, wala namang problema."

Inamin din ng Kapamilya singer na bukod sa pagkakaroon ng mga sarili nilang anak, nagbabalak din sila ni Yan na mag-ampon.

Saad ni Yeng, “Actually, we’re considering a lot of options na magkaroon ng family na hindi maapektuhan yung career.

“Actually, personal naman ito... I wanna share, plano namin ng husband ko magkaroon kami ng first two babies.

"Yung third, adopted.

“So, we’re considering na yung first namin, adopted.

"Yung susunod po namin, yung sa amin, dalawa."

Kailan nila ito planong gawin?

Ayon kay Yeng, “Kinakapa pa po namin.

"Next year po, may world tour kami ng Divas Live.

"Titingnan pa po namin. Kung ma-feel na, 'A, busy...'

"Gusto po namin talaga magka-baby.

“Sana po ma-bless po kami ng isang baby na mati-take namin sa family namin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yeng sa announcement ng 1 Million YouTube Subscribers Award ng Star Music at YouTube Most Views Video Award, na ginanap sa 9501 Restaurant, sa ELJ Building ng ABS-CBN, Mother Ignacia, Quezon City, noong nakaraang linggo.

Kasabay nito ay ang announcement ng pagkakatipun-tipon ng maraming singer-artists na umawit ng “Salamat,” na obra ng kauna-unahang Pinoy Dream Academy winner na si Yeng.

“BABAE PO AKO.” Kumbinsido si Yeng na malaki ang nabago sa kanya at sa karera niya mula nang magka-love life at magkaroon siya ng asawa.

Pagsang-ayon niya, “Opo. Noon po talaga, naalala ko nung nagsisimula pa lang ako, hindi mo ako mapapasuot ng heels. Talagang Converse, Chuck Taylor ang favorite ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron akong collection, which is, by the way, wala na akong collection dahil ibinenta at ipinamigay ko na yung mga collections ko.

“I think, part rin ng pagiging singer or miyembro ng industriyang ginagalawan ko po ngayon, talagang adjust-adjust hanggang sa ma-refine.

"Kumbaga, parang ini-smooth ka. Kailangan po talaga, e.”

Dagdag ng Kapamilya singer, natutunan niyang may mga bagay na kailangan mong gawin kahit hindi mo gusto para sa improvement.

“Pero once na nandun ka na, 'Uy, okey naman pala!' And you become a better person.

“Of course, kita niyo, mas feminine na po ako ngayon.

"Yung tiga-Montalban [Rizal] side ko, laging lumalabas, which is maraming nau-off sa akin.

"Kasi lumalabas pa rin hanggang ngayon, lalo na po sa asawa ko.

"Gumaganun siya, 'Ooops, medyo tumataas na naman ang boses mo, medyo tumitigas na naman.' Kaya sinu-soften ko.”

Nakabuti rin daw kay Yeng ang pagbabago sa sarili, dahil mas nako-communicate niya ang kanyang musika ngayon.

“Before, kahit gaano kaganda pa yung song na ginagawa mo or gawa ka ng song na makaka-relate sa tao, pag nakilala ka ng tao at pag medyo rough yung dating mo sa kanila, hirap din for people.”

Iginiit ni Yeng na kailanman ay hindi siya naging tomboy, gaya ng unang impression sa kanya noong bagu-bago pa lang siya sa industriya.

Sabi pa niya, “Babae naman po talaga ako.”

Pero hindi nito itinangging naging kilos-lalaki siya noon.

Kuwento pa ni Yeng, “Pareho po kami ng ate ko. Kasi po, dalawang kapatid ko, bading.

“Tapos apat po kami; dalawang babae, dalawang bading.

“Ang ginagawa po ng tatay ko, tinuturuan niya ang ate ko na mag-marathon tapos mag-basketball. Tapos, ako din.

“Kasi nga, hindi gusto ng mga [bading na] kapatid ko.

"Siyempre, kasama mo yung tatay mo at mas nakaka-communicate ka well sa tatay mo.

"I think doon po galing yun na marunong din po akong bumarkada sa lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro po na-develop yung medyo astig na side.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN