Veteran actress Ces Quesada walks out of indie film awards ceremony

IMAGE Noel Orsal

Ces Quesada on the organizers of Inding Indie Film Festival: "I have attended many film festivals here and abroad and I have never been treated like this. I felt used. Were these people really aware of my body of work? Was I an afterthought? Or do they just invite actors to put some legitimacy to their obscure film festival?"


Naglabas ng kanyang hinaing ang veteran actress na si Ces Quesada kaugnay ng pambabastos na naranasan niya diumano nang um-attend siya sa isang award-giving body, kung saan imbitado siya at kabilang sa bibigyan ng parangal.

Sa pamamagitan ng Facebook post niya noong December 10, inilahad ni Ces na nakatanggap siya ng email mula sa isang Ryan Favis, na konektado sa Inding Indie Film Festival.

Pararangalan daw si Ces ng “Bayani ng Pinilakang Tabing Award” bilang pagkilala sa kanyang mga naiambag sa industriya.

Pahayag pa ng veteran actress, “My work in film, television and theatre made me more than eligible for the award.

“I was to be awarded together with my colleagues John Arcilla, Vangie Labalan, and Nova Villa - all extremely talented and well respected actors.

“I accepted the invite thinking I was in good company and I wanted to show Mr. Favis and company that I appreciated their efforts.

“I also wanted to give back to the industry by showing my support to fledgling film organizations like the Inding Indie Film Festival.”

NOT ON THE VIP LIST. Ngunit noong mismong gabi ng parangal, noong December 10 din, ay hindi niya inasahan ang mga pangyayari.

Pagkatapos daw ng dalawang oras na traffic ay nakarating siya sa venue, ang activity center sa gitna ng SMDC Light Mall, sa may Boni Avenue, EDSA.

Lahad ni Ces, “I approached the reception area expecting to be led inside the cordoned off area.

“The people at the reception area asked me who I was. I couldn’t believe it.

“Here I was, their guest of honor, and they didn't know who I was.

“I said, ‘Ako yung bibigyan niyo ng award.’

“They looked at me then their guest list. My name was not in their VIP list.

“Now I have never used the line ‘Hindi niyo ako kilala?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have always been afraid somebody might just answer me and say ‘Hindi.’

“I also think it's stupid for an actor to try to lose himself in his characters then expect people to remember his real name.

“So it was never an issue for me when people call me Mayor Cha, Nanay Luz, Ate Yvonne, Brigida, Lillian Polly -- characters that I have created in my work.

“But then, when people invite you to give you an award, you expect them to at least know your name.”

Sinabihan daw siya ng babae sa may reception area na ikukumpara niya ang listahan nila sa master list.

Nagsimula na raw magtinginan sa kanya ang ibang mga tao kaya nagdesisyon na lang si Ces umalis.

Pero isang babae raw ang nakiusap sa kanyang bumalik at humingi ito ng paumanhin sa kanya.

Bumalik naman ang aktres at pinaupo raw siya sa VI P table kung saan may pangalan ang mga upuan.

Ngunit napansin daw ni Ces na walang pangalan ang upuan kung saan siya pinauupo.

Tinanong ni Ces kung nasaan ang pangalan niya, at ang sabi sa kanya ay naroon daw ito ngunit nilipad ng hangin.

Patuloy niya, “We were in a mall, not in a beach!

“People were already sensing my discomfort. Just then, Mr. Favis came in and apologized.

“By that time I was already fuming. I decided to leave the place.”

Ipinaliwanag ni Ces na kaya siya umalis ay dahil pakiramdam niya ay nainsulto siya.

“I have attended many film festivals here and abroad and I have never been treated like this. I felt used.”

Tanong pa niya: “Were these people really aware of my body of work? Was I an afterthought? Or do they just invite actors to put some legitimacy to their obscure film festival?”

Diin ni Ces, “I am no sucker for awards. I let my work speak for itself. I do not need validation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My validation comes when people say I was able to connect with them.”

Mensahe pa niya sa mga namamahala ng Inding Indie Film Festival: “Thanks but no thanks. You are doing the world of Independent Cinema a disservice. Inding Indie na kayo makakaulit sa akin.”

Si Ces, 58, ay mahigit nang 30 taong nagtatrabaho bilang artista sa telebisyon at pelikula.

Kabilang sa mga sitcom, variety, at talk show sa telebisyon na nilabasan niya ay ang mga sumusunod: Sic-O-Clock News, Eat Bulaga, Buddy En Sol, Home Along Da Riles, at PG: Parents Guide.

Lumabas din siya sa maraming teleserye ng GMA Network, gaya ng Ganti, Captain Barbell, Kung Mahawi Man ang Ulap, Gaano Kadalas ang Minsan, Luna Mystika, Adik Sa ‘Yo, Kung Aagawin Mo Ang Langit, Biritera, Hindi Ka na Mag-iisa, Cofee Prince, Nino, at Princess in the Palace.

Kasalukuyan siyang napapanood sa GMA primetime series na Alyas Robin Hood.

INDING INDIE FILM FESTIVAL. Kinuha ng senior editor ng PEP na si Jocelyn Dimaculangan ang panig ni Ryan Favis kaugnay ng mga naging pahayag ni Ces.

Nakakuha kami ng kasagutan mula kay Favis sa pamamagitan ng Facebook messaging ngayong Huwebes, December 15.

Ayon kay Favis, na producer ng Inding Indie Film Festival, ilang beses na silang humingi ng paumanhin kay Ces ngunit tila hindi sila pinapakinggan ng veteran actress.

Pahayag niya, “Nakailang sorry na po kami kay Ma'am Ces, pero napuna po namin, kada sorry po namin ay parang mali sa pananaw ni Ma'am Ces, kaya po nalulungkot po kami.

“Ayaw po namin na lumala ang issue kaya ang masasabi na lang po namin ay ‘sorry’ at nagkamali po talaga kami, lalo na po ako kasi ako ang producer.”

Ganito rin halos ang laman ng mensahe isa pang konektado sa Inding Indie Film Festival na si Ron Sapinoso sa kanyang Facebook post noong December 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ron daw ang gumawa ng video ni Ces para sa kanilang Facebook page.

Saad niya tungkol sa insidente, “Nagalit si Ma'am Ces sa Inding indie dahil hindi sya nakilala ng mga batang tumatao sa gate…

“Ang na encounter ni Maam Ces ay hindi imahe ng buong event.

“Nalulungkot po ako sa nangyari, nalulungkot din po ako dahil ang mga bata ngayon ay walang pagmamahal sa mga taong tinuturing na alamat sa industriya, humihingi po ako ng paumanhin.”

May mensahe rin si Ron sa mga nagkomento at nanghusga kahit hindi naman daw alam ng mga ito ang buong pangyayari.

Dagdag niya, “Ang na-experience po ni Ma'am Ces sa aming event ay hindi naman po na-experience ni Ms. Nova Villa. John Arcilla, Enrique "Tintoy" Arcega. Di po rin yan naranasan ng ibang celebrity na pumunta doon.

“Nag sorry po ang high-ranking officials ng event sa inasal ng nga batang nakitungo ng mali kay Ma'am Ces. Pero di po sila pinakinggan ni Maam Ces.

“Di ba po kung Kristyano tayo, dapat ay nagpapatawad tayo sa humihingi nito.

“Lahat po tayo ay tao, at lahat po tayo ay nagkakamali, minsan ang masama lang ang yung hindi taong hindi humihingi sa kaniyang pagkakamali, ganon din naman ang taong hindi nagpapatawad sa humihingi nito.”

Mananatiling bukas ang PEP sa panig ng mga nabanggit sa artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN