Georgina Wilson gives birth to a baby boy

IMAGE Instagram

Georgina Wilson gives birth to her first child with husband Arthur Burnand. The couple named their baby boy Archie.


Nagsilang na si Georgina Wilson ng isang baby boy, na pinangalanang Archie, noong Miyerkules, December 14.

Kinumpirma ang magandang balitang ito ni Liz Uy, stylist at malapit na kaibigan ni Georgina, base na rin sa ulat ng preen.inquirer.net nitong Huwebes, December 15.

Samantala, nag-post naman sa Instagram ang kapatid ni Georgina na si Sam ng post-delivery photo ng model-TV host.

Dito ay makikita na kasama ni Georgina ang British husband niyang si Arthur Burnand, ang ina nitong si Aurora Diaz, ang kapatid ni Georgina na si Jessica Wilson, at pinsan na si Ava Diaz.

???

A photo posted by Tito Burnand (@samwilstagram) on

Ikinasal sina Georgina at Artur sa United Kingdom noong April 2016.

Dinaluhan ito ng mga malalapit na kaibigan ng model-TV host, kagaya nina Anne Curtis, Liz Uy, Solenn Heussaff, at Isabelle Daza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN