Lea Salonga clarifies 'pro tip' not intended for Sarah Geronimo

IMAGE Noel Orsal (Lea)/Nerisa Almo (Sarah)

"Why would anyone assume I was referring to her? Ang bait na nga niya eh, masunurin pa," Lea Salonga tells a netizen who asked if she is referring to Sarah Geronimo in one of her "pro tips."


Nakapukaw ng pansin ang ilang “Pro Tip” na ipinost ni Lea Salonga sa kanyang Twitter account (@MsLeaSalonga) noong December 14.

Walang tinukoy na pangalan si Lea sa kanyang tweet, ngunit may ilang fans si Sarah Geronimo na nag-react dito.

Tinanong nila ang Pinay Broadway singer-actress kung ang isa sa kanyang mga “pro tip” ay patungkol sa Popstar Princess.

Ito ang nasabing tweet ni Lea: “Pro tip #1: Don't wait to be called to stand by before your song or dance number. You're an adult; surely you can handle that yourself.”

Inakala ng ilang Popsters, tawag sa fans ni Sarah, na ang kanilang idolo ang pinatutungkulan ni Lea dahil sa nangyari sa Christmas special ng ABS-CBN sa Araneta Coliseum noong Martes, December 13.

Sa ilang videos na na-upload sa Twitter, makikitang nahuli ng pasok sina Sarah at John Lloyd Cruz sa final production number ng programa.

Ngunit paglilinaw agad ni Lea, ang kanyang “pro tip” ay hindi para sa kapwa niya The Voice coach.

“Oh gosh, not her! She was standing by,” sagot niya sa isang netizen na nagtanong kung patungkol ang nauna niyang tweet kay Sarah.

Dagdag pa ng original Miss Saigon star, “I always keep an eye out for her, and she was where she needed to be. Of course not Sarah. I was talking about someone else.

“Why would anyone assume I was referring to her? Ang bait na nga niya eh, masunurin pa. I never have problems with her.”

Bukod sa finale ng Christmas special ng ABS-CBN, magkasama ring nag-perform sa isang production number sina Lea at Sarah at ang dalawa pang The Voice coaches na sina Sharon Cuneta at Bamboo Manalac.

Matapos sagutin ang ilang followers, nag-post ulit si Lea ng ilang “pro tip” sa kanyang Twitter account:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN