Jona not worried about being bashed by Sarah Geronimo fans

IMAGE Noel Orsal

Jona is getting noticed for singing the song that Sarah Geronimo made famous. Can the bashers be far behind? She says, "Siyempre, naisip ko agad yun na maraming magri-react na fans, sa mga Popsters. Sana huwag po silang mag-negative. Ginagawa ko lang kung ano yung assignment ko."


Ang Star Music recording artist na si Jona ang kumanta ng theme song ng pelikulang Ang Babae Sa Septic Tank 2, ang "Forever's Not Enough."

Ang nasabing kanta ay orihinal na inawit at pinasikat ni Sarah Geronimo noong 2005.

Nakahanda naman daw ang loob ni Jona na makumpara ang pag-render niya ng kanta sa version ng Popstar Princess.

Pahayag niya, "Actually nga po, nagulat ako nung ibinigay sa akin itong project na ito, na kantahin ang theme song na 'Forever Is Not Enough.'

"Siyempre, naisip ko agad yun na maraming magri-react na fans, sa mga Popsters.

“Sana huwag po silang mag-away-away, huwag po silang mag-negative.

"I'm not trying na parang lagpasan or talbugan or magmagaling…

“Ginagawa ko lang kung ano yung assignment ko."

Wala pa naman daw nababasa si Jona na pamba-bash mula sa Popsters, tawag sa fans ni Sarah.

Pero minsan daw, “May nagbabalita po, ganyan.”

Paano kung may mang-bash sa kanya, ano ang magiging reaksiyon niya?

Sagot ni Jona, "Siguro maiintindihan ko, loyal fans sila, di ba?

“Kung meron mang iba na hindi talaga mapipigilang mag-compare o mam-bash, irerespeto ko po yung opinyon nila o reaksiyon nila.

“Ano lang po ako, tahimik lang po ako."

Eklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jona sa grand presscon ng Ang Babae Sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough, na ginanap sa Sharing-La Chinese Cuisine, sa West Avenue, Quezon City kahapon, December 15.

ASPIRATION. Hindi rin daw siya nagdalawang-isip na tanggapin ang project kahit alam niyang si Sarah ang original singer nito.

Sabi ni Jona, "As long as sa tingin naman po ng management ay hindi makakasama sa akin, bakit ko naman ko din po tatanggihan, di ba?

"Kung ano lang po yung naibigay sa akin na trabaho, kung hindi naman siya masama...

"Ang masasabi ko lang po, thankful ako na nabigyan ako ng chance nga na makanta itong theme song ng Ang Babae Sa Septic Tank 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahi ibinigay sa kanya ang bagong interpretasyon ng isa sa signature songs ni Sarah, ibig kayang sabihin nito ay lumi-level na si Jona rito?

Mabilis niyang sagot, "Grabe naman!

"Marami pa akong dapat na mapatunayan, marami pa akong dapat na marating."

Nagkikita raw sila ni Sarah at nagkakausap tuwing Lingo sa ASAP.

Nabanggit na ba ni Jona kay Sarah ang tungkol sa pagkanta niya ng isa sa signature songs nito?

Ayon sa 27-year-old recording star, “Nagkikita-kita kami, nagtsitsikahan, pero hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol dito.

“I’m sure she won't mind kasi alam naman ng lahat na napakabait ni Sarah.

"I idolize her. Bukod sa pagiging magaling na performer, e, napakabait niyang tao.

"And, of course, I respect Sarah, respect din lang po talaga."

Sabi pa ng dating Pinoy Pop Superstar grand winner, gusto niyang ma-achieve ang na-achieve ng kanyang idolo.

"Yes, kasi halos lahat po ng aspiring singers, gusto ring marating kung ano ang narating ni Sarah at ng iba pang icon sa industry.

"So, yun po, basta kailangang maging mahusay lagi sa trabaho and pagdating sa attitude, remain humble."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN