Piolo Pascual on Shaina Magdayao: "I never hang out with anybody else, just her."

IMAGE Noel Orsal

Piolo Pascual on spending Christmas with his family in his new house: "We're spending Christmas here so might as well spend it there with my mom, my family. More than our house, it's gonna be our family house. I live in a condo, and I moved back, and it's a nice feeling to be in a house, to be in our home."


Isa sa umagaw ng atensiyon ng marami sa nakaraang ABS-CBN Christmas Special, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Martes, December 13, ay ang sweetness nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao.

Halos hindi mapaghiwalay ang dalawa at madalas ding naghu-holding hands.

Dahil dito, lalong umugong ang balitang nagkabalikan na sina Piolo at Shaina.

Hindi naman itinanngi ng Kapamilya matinee idol na nananatiling esepsyal sa puso niya ang aktres.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Shaina and I will always have a special place in each other’s hearts.

“I never hang out with anybody else, just her.”

Pero hindi na raw kailangan pag-usapan pa sa media kung anuman ang namamagitan sa kanila ngayon

“Tara, pag-usapan natin ‘yan na di binu-broadcast.”

Ano ang mga nakita niyang katangian kay Shaina at nananatili itong espesyal para sa kanya?

Sagot ni Piolo, “She stuck it out with me.

“We’ve been like this for the last three, four years.

“She’s part of my family, important part of my family, so yun na lang.”

PIOLO’S HOUSE. Samantala, malamang daw na sa ipinapagawa niyang bahay magdiriwang ng Pasko si Piolo kasama ang kanyang pamilya.

Sana nga lang daw ay umabot sa Pasko ang bahay niya.

“Hopefully, umabot naman sana… mukha namang aabot kasama ng mga alikabok.

“We’re spending Christmas here so might as well spend it there with my mom, my family.

“More than our house, it’s gonna be our family house.

“I live in a condo, and I moved back, and it’s a nice feeling to be in a house, to be in our home.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN