Eugene Domingo opens up about her Italian boyfriend

IMAGE Noel Orsal

Eugene Domingo is sure she has found the right man for her, "Kasi hindi ko siya makalimutan."


Sa unang pagkakataon ay ibinahagi ni Eugene Domingo ang ilang mga kaganapan sa kanyang love life na matagal din niyang itinago sa madla.

Nitong nakaraang July 2016 lang daw naging opisyal ang romantic relationship ni Eugene at ng kanyang Italian boyfriend.

Napangiti muna ang Kapuso comedienne-TV host bago i-share ang ilang detalye tungkol sa relasyon nila ng kasintahan na nasa 50s na raw.

Kuwento ni Uge, palayaw ni Eugene, “Sinabi ko sa kanya na bukas may presscon kami, ‘Don’t be surprised because your name is coming out.’

“Sabi niya, ‘Okay, as long as you’re happy.’

“So, I’m happy to announce that his name is Danilo.”

Si Danilo ay isang film critic sa Italy.

Ayon pa kay Eugene, dalawang taon silang naging magkaibigan ni Danilo at dumaan din sa ligawan ang kanilang samahan.

Paputul-putol daw ang komunikasyon nila at noong nakaraang taon lang naging madalas ang pag-uusap nila.

Yun nga lang, nahihirapan daw si Uge sa sitwasyon nila bilang magkalayo sila ng kasintahan; siya ay nasa Pilipinas, habang si Danilo naman ay nasa Italy.

Pahayag pa ng aktres, “You really miss each other, but it also helps to be more creative.

“He understands that very much and we always say na kung ano yung plano ni God, yun.

“He respects my profession and he likes it very much that I do my job.

“Awa ng Diyos, hindi naman mahirap lumipad doon… if you really love a person, there’s always a way.

“Nagpapasalamat ako to my Dear Uge and to my station.

“They allow me to have a vacation, sila kasi yung nakaalam ng sitwasyon ko.”

Ang Dear Uge ay ang weekly comedy anthology na hinu-host ni Eugene sa GMA Network.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eugene sa presscon ng Metro Manila Film Festival 2016 movie entry niyang Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough, na idinirehe ni Marlon Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naganap ang presscon sa Shangri-La Resto sa West Avenue, Quezon City, kahapon, December 15.

HOW THEY MET. Nakilala raw ni Eugene ang Italian boyfriend niya sa Udine Far East Film Festival, kung saan ipinalabas ang pelikula niyang Barber’s Tale.

Lahad pa niya, “But he’s been watching my films in the festivals since Kimmy Dora… he’s a film critic.

“He has a day job, he works in the office and, at the same time, he writes criticism for films.

“He said friends daw kami sa Facebook, e, wala naman akong Facebook.

“And during that time, wala naman talaga sa isip ko [ang love life].

“But then, when he approached me, hindi ko na siya nakalimutan.”

Ibinahagi rin Eugene ang mga katangiang nagpalapit ng loob niya sa kasintahan.

Sabi niya, “I really like his sincerity, his eyes, his smiles.

“And there was this one question na hindi ko nakalimutan, he asked me if I was in love.

“Nagulat ako, parang, 'How dare you ask me that question.'

“But then I thought, bisita lang ako, hindi naman ako puwedeng sumagot nang ganun.

“So, bilang isang Filipina na nagpapaka-smart and all that, ‘Are you writing for a tabloid?’

“Parang naano siya, ni-rephrase niya yung question, ‘No, I just want to know what do you love to do most?’

“After that, hindi ko na siya nakalimutan…

"I felt this is a good person and it would be nice to talk to him again."

FUTURE PLANS. May plano na ba silang magpakasal?

Tugon ni Eugene, “We’re good, we’re very happy, we’re very blessed.

“We don’t plan anything, we’re just enjoying ourselves, we’re enjoying our time.

“He’s very happy that I’m back in films because he’s always asking, ‘Kelan ka babalik umarte?’

“He’s very excited about Septic Tank 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hopefully, God willing, maipalabas ang Septic 2 sa mga film festivals abroad.”

Handa ba si Eugene sa marriage proposal sa susunod na taon, kung sakali?

Mabilis na tugon ng 45-year-old actress, “I guess so, yes, why not?

“Mas importante na we enjoy our time together, kasi hindi naman parati nandito ako sa Pilipinas.”

Kailan niya naramdamang si Danilo na ang lalaki para sa kanya?

Sagot ni Eugene, “Kasi hindi ko siya makalimutan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN