Pokwang faces up to her mom's loss of memory due to Alzheimer's

IMAGE Noel Orsal

Pokwang on dealing with her mom's Alzheimer's: "Wish ko kay Santa...Ibalik niya yung ngiti kasi komikera ang nanay ko. Di na niya talaga kami naaalala, halos lahat. Di ako puwedeng maglambut-lambutan para sa kanya, kailangan niya kami."


Ang pinapanalangin raw ni Pokwang bilang regalo ngayong Pasko ay bumuti ang kalagayan ng kanyang ina.

Edad 74 na ito at may sakit na Alzhemimer’s.

“Wish ko kay Santa, ibalik niya ang memory ng nanay ko, yun na lang.

“Ibalik niya yung ngiti kasi komikera ang nanay ko saka matapang, matatag.

“Yun ang nami-miss ko, saka pinagluluto niya kami.

“Dose kaming magkakapatid na inalagaan niya.

“Mahiya naman kami kung susukuan namin siya.

“Hindi kami susuko para alagaan siya,” ayon sa komedyana sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang ABS Christmas special.

Kuwento pa ni Pokwang, kinakitaan nila ng sintomas ang ina tatlong taon na ang nakakalipas.

“Ang bilis lang e ang bilis, heto na agad.

“Ngayon, pag medyo ‘di nakakainom nang tama ng gamot niya, nagta-trantrums.

“‘Tapos di na niya talaga kami naaalala, halos lahat.

“Ayaw na niyang lumunok so malambot na lang yung mga pagkain na pinapakain namin sa kanya.

“Di ako puwedeng maglambut-lambutan para sa kanya, kailangan niya kami.”

Lumipat na rin ng ibang bahay si Pokwang mula sa pinatayo niyang bahay noon sa Antipolo dahil na rin sa kalagayan ng ina.

“Ano yun, lola-friendly kasi ang bahay ko puro hagdan.

“Paano kung tumanda na ako, di ko na kayang bumaba, alam ninyo na.”

Labis naman ang pasasalamat ni Pokwang na buo ang suporta na binibigay sa kanya ng boyfriend niya na si Lee O’ Brien at ng pamilya nito.

“Laging nasa tabi ko siya, very supportive siya at buong pamilya niya.”

Ayon sa Alzheimers.Org, ang sakit na ito ay isang uri ng dementia kung saan ang sintomas ay "memory loss and difficulties with thinking, problem-solving or language." Isa itong "progressive disease."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN