Kean Cipriano on exclusion of JM de Guzman in Ang Babae Sa Septic Tank 2: "I miss the dude"

IMAGE Noel Orsal

Kean Cipriano brands comedy of Vice Ganda and Vic Sotto as "matalino."


Isa si JM de Guzman sa orihinal na cast members ng Ang Babae Sa Septic Tank na ipinalabas noong 2011.

Pero hindi na ito kasali sa Ang Babae Sa Septic Tank 2 (#ForeverIsNot Enough) na ipapalabas sa Metro Manila Film Festival sa December 25.

Ang mga bida sa part two ay sina Eugene Domingo as Eugene Domingo and as Romina; Joel Torre as Joel Torre, as Cesar, and as Romina’s father; Jericho Rosales as Jericho Rosales and as Cesar; Kean Cipriano as Rainier; Cai Cortez as Jocelyn; Khalil Ramos as Lennon.

Kaya tinanong namin si Kean kung ano ang naramdaman niya nang hindi nakasali sa part two ng pelikula si JM.

“Well, of course, ano, we’re saddened by the fact na wala siya dito, di ba?”

Aware ba siya sa sitwasyong may kinalaman sa droga na kinasangkutan ni JM?

“I just don’t talk about it, I just don’t wanna talk about it.

“I love the person, so…

“And wala ako sa posisyon para magsalita.”

Ikinalungkot ni Kean na hindi nakasama si JM sa movie nila.

“Oo naman, oo naman. But you know every thing happens for a reason.

“Alam mo yun?

"And all in God’s will and God’s plan, you know, iyon naman ang pinaniniwalalan ko.”

Wala raw silang anumang komunikasyon ni JM.

“No, wala.

“I miss the dude, actually.”

"MATALINO" COMEDY. May espesyal na lugar sa puso ni Kean ang Ang Babae Sa Septic Tank movies.

“Bukod sa ito yung unang pelikulang ginawa ko ever sa buhay ko, yung part one, una ko, una ni direk Marlon, paborito ko yung mga kasama ko, paborito ko yung direktor, paborito ko yung writer, paborito ko yung actors na kasama ko, so alam mo yun?

“Sobrang quality yung pelikula to a point na dahil wala kaming iniisip na, ‘O dapat ganito tayo, may ganyan,' gusto lang talaga namin magkuwento, gusto naming makapaglabas ng pelikula na alam mo yun, matutuwa ang mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi nga nila, ‘Mataas ba masyado, matalino ba?’

“Magkaiba yung mataas sa matalino...Kumbaga like yung comedy ni Vice Ganda, matalino yun, yung comedy ni Wenn Deramas, matalino yun, yung comedy ni Bossing [Vic Sotto], matalino iyan, si Dolphy, matalino yung comedy nila.

"I mean hindi sila mapupunta sa position nila kung hindi sila genius or best on what they do, di ba?

“Kasi ito yun e the fact na maraming taong tumatangkilik sa pelikula nila e ibig sabihin, may ginagawa silang tama, may ginagawa silang maganda.

“So hindi mo makukuwestiyon yun at hindi mo siya maikukumpara sa isang pelikula na let’s say indie na nakakatawa..."

Aniya, depende pa rin daw ito sa manonood at sa depinisyon nila ng kalidad na pelikula.

Dugtong ng vocalist/actor, "Parang sa akin kasi, ano iyan e, ang pelikula ay preference.

"Parang kanta iyan, meron kang kanta na gusto na ayoko, meron akong gusto na ayaw mo.

"Or may maganda sa akin, sakto lang iyo.”

Ang pahayag niya ay patungkol sa mga napili at hindi napiling pelikulang sa MMFF 2016. Karamihan kasi ng entries sa taong ito ay indie films.

“Preference lang talaga lahat iyon para sa akin.

"So with that, kung puwede nga lang na lahat ng pelikula ay nasa festival, ganun na lang ang mangyari or lahat ng pelikula sa Pilipinas, mainstream or indie, ipalabas palagi sa mga sinehan.

“Kung puwede, di ba? Mas maganda sana na ganun, hindi lang sa festival pero sa kabuuan.”

Nasa Ang Babae Sa Septic Tank 2 (#ForeverIsNotEnough) rin sina Gui Adorno as Facundo; Hannah Ledesma as Riza, wife of Rainier; with the special participation of Agot Isidro as Adele, Romina’s best friend and as Romina’s mother; Ricci Chan as Adele, Romina’s best friend; Inigo Pascual as Cesar, at si Bb. Joyce Bernal as Bb. Joyce Bernal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay produced ng Martinez-Rivera and Quantum Films in association with Tuko Film Productions, Butchi Boy Films, and MJM Productions.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN