Luis Alandy to marry non-showbiz GF next year

IMAGE Luis Alandy's Instagram

Luis Alandy is all set to marry his non-showbiz girlfriend Joselle Fernandez on February 17, 2017. They have been engaged since May 12 this year: "Dumating na ang tamang panahon. Joselle came at the right time and it's really time for me to settle down. I need to say goodbye to being a bachelor. Overstaying na raw ako sa pagiging single."


Tutuldukan na ng aktor na si Luis Alandy ang kanyang pagiging bachelor dahil ikakasal na ito sa kanyang non-showbiz fiancee na si Joselle Fernandez sa February 17, 2017.

Nag-propose si Luis kay Joselle noong nakaraang May 12, 2016.

Ten months na may relasyon ang dalawa bago mag-propose si Luis habang nagbabakasyon sila sa Lake Tahoe in Nevada, U.S.A.

Kaya naman ratsada sa pagtanggap ng mga trabaho si Luis dahil pinaghahandaan na niya ang kanyang magiging wedding.

“Hindi pala madali ang mag-prepare ng sarili mong kasal!” tawa pa ni Luis nang makapanayam namin siya sa press conference ng Metro Manila Film Festival 2016 official entry na Die Beautiful.

“Magkasama kami ng fiance ko sa lahat—meeting with our wedding planner, pag-ayos sa simbahan, reception venue, meeting with the suppliers, picking the flowers, invitations…

“Matrabaho pala ito.

“Kailangan marunong kang makipag-usap para mabigyan ka ng magandang presyo.

“Although magastos siya, it doesn’t matter.

“I will be marrying the woman I love and nothing is too expensive for her.

“This is her dream wedding at ito ang gusto kong ibigay sa kanya.

“Minsan lang tayo ikasal nang ganito kaya gandahan na natin.”

BIDDING HIS BACHELOR DAYS GOODBYE. Sa edad niyang 36 anyos, handa na raw si Luis na pasukin ang pag-aasawa at magkaroon ng sarili niyang pamilya.

“Ako na lang kasi sa magkakapatid ang single.

“Everyone has their own families na.

“Kahit mga friends ko, may mga asawa’t anak na.

“Ako na lang ang natitirang single.

“Kapag may get-together or reunion, ako lang ang walang dalang pamilya.

“Sila may mga sariling mga anak na at iyon ang nagiging topic ng usapan.

“Hindi ako makasali sa usapan kasi it’s all about having kids.

“Kaya nakakainggit na rin.

“Kaya dumating na ang tamang panahon. Joselle came at the right time and it’s really time for me to settle down.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I need to say goodbye to being a bachelor.

"Overstaying na raw ako sa pagiging single.

“I want to experience a life as a married man and soon as a father naman,” diin pa niya.

NOT LIVING-IN. Itinanggi naman ni Luis na magkasama na sila sa iisang bubong ng kanyang fiancee.

Paglinaw niya, “We’re not living-in. I have my own place and she has her own.

“Very conservative ang family ni Joselle and I respect that.

“Tsaka gusto ko rin na ma-excite ako sa kanya, di ba?

“That’s why excited kaming pareho sa magiging wedding namin kasi it will be special.”

WORKING WITH PAOLO. Bukod sa teleserye na The Greatest Love sa ABS-CBN, naging busy na rin sa promo ng Die Beautiful si Luis kunsaan siya ang gumaganap na greatest love ng bida na si Paolo Ballesteros.

Pagmamalaki niya, “I am happy to be part of Die Beautiful.

“It’s my second time to work with Direk Jun Lana who I first worked with in Anino Sa Likod Ng Buwan.

“We are so proud of Paolo who won Best Actor sa Tokyo International Film Festival.

"Ang galing niya sa movie talaga.

“Hindi ako magugulat if he wins Best Actor again dito naman sa MMFF.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN