Comedienne Cai Cortez shocked by ex-BF Baron Geisler's latest controversy

IMAGE Noel Orsal

Comedienne Cai Cortez on ex-BF Baron Geisler's latest controversy involving Ping Medina: "Sobra na iyon, e. Parang hindi na makatarungan iyon. You don't do that to anybody, lalo na kapag kasama mo sa trabaho. I am saddened by what happened kasi hindi tama, e."


Bilang ex-girlfriend ng kontrobersyal na aktor na si Baron Geisler, hindi na raw nagugulat pa ang aktres na si Cai Cortez kapag may nababalitaan siyang gulo na kinasasangkutan nito.

Dalawang taon na nakarelasyon noon ni Cai si Baron at siya ang nakipaghiwalay dito dahil napagod daw siya sa ilang mga kinasangkutang gulo ng aktor.

Kabilang na raw dito ang mga naging sexual harassment cases nito.

Nasanay na raw si Cai na laging nai-involve si Baron sa mga gulo dahil parang hinahanap din daw ito ng aktor.

Ganunpaman, na-shock pa rin daw si Cai noong narinig niya ang tungkol sa pinakabagong gulo na kinasangkutan nina Baron at Ping Medina.

Naging kontrobersyal ang ginawang pag-ihi ni Baron kay Ping habang nagsu-shoot sila ng kanilang pelikulang Bubog, na idinirihe ni Arlyn dela Cruz.

??Sa totoo lang, hindi na talaga ako nasa-shock sa mga kinasasangkutan ni Baron na gulo.

??I mean, yung lasing siya, nakipag-away sa isang tao, yung hindi siya professional? hindi na siya nakakagulat sa akin.

??Kasi parang normal na ??yon for Baron.

??Pero itong ginawa niya kay Ping na ihian niya, my gosh, hindi ko ma-imagine na may taong gagawa ng gano??n sa kapwa niya.

??Para sa akin kasi, hindi ka na matinong tao or hindi na tao ang tawag sa iyo.

??As in, na-shock pa talaga ako!?? kuwento pa ni Cai nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng Metro Manila Manila Film Festival official entry na Ang Babae Sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough sa Shangri-La Finest Cuisine Restaurant in Quezon City noong nakaraang December 16.

SHOCKED. Dagdag pa ni Cai, sobra na raw yung ginawa ni Baron at ikinalulungkot niya na umabot pa sa gano??n ang lahat.

??Sobra na iyon, e.

??Parang hindi na makatarungan iyon.

??You don??t do that to anybody, lalo na kapag kasama mo sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??I am saddened by what happened kasi hindi tama, e.

??May pinagsamahan kami ni Baron? kaibigan ko pa rin siya, pero kaibigan ko rin si Ping.

??And he does not deserve what Baron did to him.

??It??s hard to take sides, pero ano ba ang magagawa natin sa ganyang tao?

??Dapat lang siguro na i-call na ang attention ni Baron kasi he??s being so unprofessional,?? payo pa niya.

PRAYING FOR BARON'S REFORM. Ayaw isipin ni Cai na ikinatutuwa ni Baron ang ganoong mga kontrobersya o gulo.

Sabi niya, ??Ayokong isipin na ikinaliligaya ito ni Baron.

??Hindi gawain ng normal na pag-iisip iyon.

??Alam ko na many people are trying to help him change.

??Pero kung hindi ka naman open to changing yourself, ano pa ang dapat na gawin sa tulad mo???

Pinagdarasal na lang ni Cai na maging maayos ang lahat dahil ang ganitong bagay raw ang nakakasira sa pagsasama ng mga aktor sa industry.

??I just pray na sana maayos ang lahat ng ito.

??Kasi ang panget sa paningin ng mga tao na nasa labas ng industriya natin.

??Ano na lang ang sasabihin nila sa atin, lalo na yung mga matinong magtrabaho?

??Nadadamay lahat e,?? diin pa ni Cai.

DUE TO GIVE BIRTH ANYTIME. Ngayong buwan na ang due date ng panganganak ni Cai, pero sa kabila ng maselang kondisyon niya, nagagawa pa rin niyang mag-promote ng pelikula nila.

Ito ang first baby nila ng kanyang mister na si Wissem Rkhami at lalake ang magiging baby nila.

??I can give birth any day now.

??Pero okey pa rin ako.

Mabuti raw sa tulad ko na naglalakad-lakad.

??Kaya habang wala pa at nasa tiyan pa siya, promote lang tayo dahil ang ganda ng movie namin at ayokong hindi ako makasama sa pag-promote nito,?? pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN