Cai Cortez admits meeting husband through online dating site

IMAGE @caicortez on Instagram

Comedienne Cai Cortez admits that she met her husband Wissem Rkhami through Tinder, the online dating site: "I was dating nung nag-Tinder ako. Yeah, I met very interesting people. Pero siya, hindi ko ini-expect na mai-in love siya nang gano'n. First time lang naming nag-meet, sinabi niya, 'I will marry you one day.'"

 


Nakilala raw ni Cai Cortez ang asawa niyang si Wissem Rkhami sa social dating site na Tinder.

Bulalas pa ni Cai, “May true love sa Tinder.”

Paglinaw niya, relasyon lang at wala nang iba pang rason ang pagsali niya sa Tinder.

Sabi pa niya, “Kasi kung landi lang ang hanap mo doon, yun talaga ang makukuha mo.”

Nililinaw ni Cai na hindi desperate moves ang pagsali niya sa Tinder para lang makahanap ng lalakeng makakasama niya habang buhay.

Nakataas ang kilay na sabi niyang, “I was dating nung nag-Tinder ako.

“Yeah, I met very interesting people.

“Pero siya, hindi ko ini-expect na mai-in love siya nang gano'n.

“First time lang naming nag-meet, sinabi niya, 'I will marry you one day.'

“And the next time we will meet, you will be with your parents and I will ask for your hand na.

“Sabi ko, ‘Sigurado ka ba sa sinasabi mo?’

“Nong nakita raw niya ako, alam na raw niya.”

MATERNITY LEAVE? Hindi pa raw sigurado si Cai Cortez kung magpapahinga siya nang matagal kapag naipanganak na niya ang baby boy na papangalanan niyang Habig, na ang ibig sabihin sa Ingles ay “love.”

Due date na dapat ng kapanganakan ni Cai noong nakaraang Huwebes, Dec. 15, pero sa kabila ng maselang kondisyon niya ay nagawa pa rin niyang dumalo sa presscon ng Ang Babae sa Septic Tank 2: #Forever is Not Enough.

Ayon kay Cai sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ginanap sa Shangri-la Resto, West Avenue, Quezon City, magpapahinga siya hanggang kaya pa raw niyang mag-breast feed.

Ngunit naalala niyang may isa pa siyang obligasyon sa isang pelikulang hindi pa natatapos.

Saad niya, “Naumpisahan ko na yun. Hindi ko alam kung paano tatapusin.

“Pero tignan natin. Yung movie nina Enrique Gil at Liza Soberano under Star Cinema.”

RESPECTS HER SHOWBIZ CAREER. Kahit raw buntis at kabuwanan na ni Cai ay hindi raw ito problema para sa asawa niya ang karera niya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagmamalaki niya, “My husband si very supportive.

“Ever since nagkakilala kami, alam niya ang trabaho ko.

“He knows everything. Wala akong itinago sa kanya.

“He understand and supports me. Hindi niya ako pinigilang magtrabaho or anything.

“Alam niya lahat kahit yung mga pinagdaanan ko. He knows everything, open naman siya.

“Lalo na foreigner, hindi na sila yung conservative. “

Isang French Arabic national ang asawa niyang si Wissem Rkhami, kaya minsan daw ay seloso ito.

JEALOUS STREAK? Halimbawa ni Cai sa sitwasyon ng pagseselos ng asawa, “Kunwari uuwi ako nang late, tatahimik na siya.

“Ako, I make it a point na pag-uwi niya galing work, nandun ako, nakahain na ang dinner.

“Hindi ako sanay sa gano'n.

“Naloloka nga ako. Kasi ako, 6:00 a.m. ako umuuwi, party girl ang peg.

“Pero sa work naman, okey lang sa kanya. He supports me.

“Pero ngayon hinay-hinay na lang. Eto pala yung sinasabi nilang biglang nalagay sa tahimik.

“Talagang nanahimik ang buhay.

“Ewan ko, ako kasi free din, very strong ang personality ang independent. I just needed a man to tame me.

“Usually kasi ang lakas ng personality ko. Gagawin ko lahat wala akong pakialam.

“Usually, ako ang nagku-control ng relasyon. Pero eto yung, ‘girl’ ako. Submissive ako.”

RESPECTING RELIGIOUS DIFFERENCES. Ibinalita ni Cai na isang Muslim ang kanyang asawa, kaya ikinasal sila under civil rites.

Patuloy pa ni Cai, “Actually, okey lang sa kanya na magpa-convert into Catholic, but hindi ko na hiningi kasi gano'n siya pinalaki.

“I don’t wanna take that away from him.”

Hindi naman daw hiningi ng asawa niyang siya na lang ang magpa-convert into Muslim.

LOVED BY RESPECTIVE FAMILIES. Dito na sa Pinas nakilala ni Cai si Rkahmi. Apat na taon na raw itong naninirahan sa bansa bago pa sila nagkakilala nito.

Walong taon ang pagitan ng edad nilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Cai ay 28 samantalang 37 anyos naman ang asawa niya.

Anim na buwan din silang naging magkasitahan at saka sila nagpakasal.

Paliwanag ni Cai sa biglang paglabas ng wedding photos niya, “Hindi siya kasi ma-social media.

Mahal na mahal raw ng pamilya ni Cai ang mister nito.

Sabi pa niya, “Naku, they love him.

“Kasi kamukhang-kamukha niya yung mga Espaol kong mga kamag-anakan.

“So, parang part of the family rin siya. Meant to be nga, ang galing.”

GRAND WEDDING? Tanggap din raw si Cai ng pamilya ng mister niya.

“Yeah, mababait sila.

“Kausap ko yung mga kapatid niya. Excited sila sa baby namin.”

Sa susunod na taon plano nina Cai at Rkahmi na pumunta ng North Africa kasama na ang kanilang baby at posibleng doon na rin gawin ang grand wedding nilang dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN