Singer-actor RJ Agustin clarifies status of relationship with Kapuso actress Sheena Halili

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Despite their obvious closeness, Kabisera producer and actor RJ Agustin can't formally court Sheena Halili. He explains, "Marami raw kasi siyang pinagdaanan sa mga naging karelasyon niya, kaya gusto niyang maging single muna. Nirerespeto ko naman ang request niyang yun. Siguro kapag ready na siya ulit na magpaligaw, doon na lang tayo magsimula."

 


Ang singer-actor na si RJ Agustin ang nababalitang boyfriend umano ng Kapuso actress na si Sheena Halili.

Ilang beses nang nakitang nagde-date sina RJ at Sheena.

Sa katunayan ay may ginawa pang music video si Sheena para sa single ni RJ na “Pusong Bakal.”

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay RJ sa press conference ng Kabisera  noong December 12, inamin nitong matagal na niyang type si Sheena, pero urong-sulong ang balak niyang panliligaw rito.

Ayon kay RJ, “Matagal ko nang kilala si Sheena, we’re very close talaga.

“Noon pa man ay attracted na ako sa kanya.

“Sino namang lalaki ang hindi magkakagusto sa kanya?

“Bukod sa maganda at mabait siya, may kakaibang sense of humor din siya.

“Kumbaga, lahat ng gusto ko sa isang babae ay na kay Sheena talaga.”

Kahit na nakailang beses na raw silang nagde-date ng aktres, hindi naman daw ito exclusive.

“Wala naman kaming napag-usapan na we are going to be exclusively dating.

“Basta lalabas kami kapag may time.

“She can date anybody she wants, ganun din naman ako.

“Ganun lang kaming dalawa,” saad ng singer-actor.

Bukod sa pagiging cast member, si RJ din ang producer ng 2016 Metro Manila Film Festival official entry na Kabisera, na pinagbibidahan ni Superstar Nora Aunor.

SHEENA'S REQUEST. Ano ang rason kung bakit hindi matuloy ang seryosong panliligaw niya kay Sheena?

Saad ni RJ, “She wants time for herself.

“Marami raw kasi siyang pinagdaanan sa mga naging karelasyon niya, kaya gusto niyang maging single muna.

“Nirerespeto ko naman ang request niyang yun.

“Siguro kapag ready na siya ulit na magpaligaw, doon na lang tayo magsimula."

Patuloy niya, “But for now, we’re good friends, we hang out.

“Mabuti na rin yung wala kaming commitment sa isa’t isa.

"Mas nagiging open kami with one another, yung hindi kami naiilang sa isa’t isa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN